*Hanna's POV*
Ilang buwan na ba kaming naghihintay sa paggising niya?O taon na?Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.
"Nabibilang mo ba,Word kung ilang buwan na tayo dito?"hindi ko kasi binibilang para hindi ako mawalan ng pag-asa na gigising siya mamaya,bukas o kahit taon pa.
"Exactly one year ngayon."si Word din lagi siyang nandito salitan kami nila Ken dito.
"Ahh.Ang bilis ng panahon,pero walang susuko hah!"sabi ko ng may determinasyon.
"Yung mga doctor wala ng pag-asa pero tayo kahit kailan hindi tayo mawawalan nun."sabi ni Ken.
"Mamaya o kaya man bukas o kaya man sa isang taon gigising ka na diba?"sabi ko sa natutulog pa ring si Joriza.Miss na miss ko na talaga siya yung boses niya,yung pang-aasar niya and everything about her."O pano,Word ikaw muna dito hah?"sabi ko kay Word. "Babalik din kami,Labs.But I'm hoping na pagbalik namin gising ka na."ngumiti ako sa kanya kahit alam kong hindi niya nakikita yun.I patted her head and I kissed her forehead.
"Bye,Joriza!See you around."nagpaalam na kami ni Ken sa kanya at kay Word na magbabantay.
Nakalabas na kami ni Ken sa room ni Joriza.Sayang may photoshoot pa ako,di ko tuloy mababantayan si Joriza :(
"Ang bait ni Word kahit gang leader siya diba?"napag-alaman namin ni Ken na leader nga siya sa isang gang.Kaya pala ang lakas ng hatak sa mga babae e.Gwapo kasi talaga siya,magkasing-gwapo sila ni Ken at Patrick.Grabe iniisip ko pa lang na pinapaligiran ako ng mga gwapo feeling ko mala-Rapunzel yung buhok ko.
"Hula ko na-love at first sight kay Joriza yun e.Pero diba nakakapagtaka na nandun siya sa harap ng Santiez Company at ganon na lang yung pag-aalala niya kay Joriza?Para siyang guard."
"Malay mo thoughtful lang talaga tsaka napadaan siya dun sa Company nila Patrick."sumang-ayon na lang siya sa akin,kahit ako minsan nagtaka din ako kay Word e.Pero di na bale yun,okay na na nandyan si Word ng malay natin,sila pala talaga ni Joriza.Halata kasi kay Word yung pag-aalala niya kay Joriza e,iba yung sa kanya siguro nga na-love at first sight siya kay Labs :) Di katulad ni Patrick pagkatapos nung araw na na-ospital si Joriza pangungumusta man lang,WALA!O kahit dumalaw man lang kahit isang beses pati si Ken nawalan ng communication sa kanya.Though sinabi ko na wag na siyang magpakita sana man lang nag-pursue siya ng konti kung may care talaga siya.Pero nasan na kaya siya ngayon?Parang naging bula e.Di ba niya inisip na hahanapin siya ni Joriza??Tss.
*Word's POV*
Isang taon na kaming naghihintay sa paggising niya.Tapos si Patrick naman nawalan na ako ng communication sa kanilang Santiez after nung 3 months nila dun.Nakalimutan niya na ba si Joriza at yung deal namin?Napakatanga niya nga talaga.
Kahit tulog siya di pa rin mawala yung mukha niyang may lungkot.Alam mong nahihirapan pa rin siya kahit natutulog na lang siya.Ang hirap nga naman na malaman mo na ganon ang ginawa sayo.Pero patatawarin niya pa rin kaya si Patrick pag nalaman niya yung dahilan??
Pero ano kaya ang dahilan ni Patrick at hindi siya bumalik pagkalipas ng tatlong buwan?O may dahilan kaya talaga siya o baka naman ayaw niya na talaga?Hihintayin ko pa ba siya??Mahal pa rin kaya siya ni Joriza?
"Mahal mo pa rin ba siya?"tanong ko sa natutulog na si Joriza.
Nakita kong gumalaw ang daliri niya..
"No.Don't leave me Patrick!!!"ito na siguro ang sagot sa tanong ko.MAhirap nga naman kalimutan ang taong nagparamdam sayo ng pagmamahal kahit na isang taon ka pang natutulog lalo na at sigurado akong laging siya lang ang napapaginipan ni Joriza.KAhit na gaano pa ang sakit na ibinigay niya sayo,hindi madaling kalimutan ang taong mahal mo.
