It's 8:30am,nakatulog ako sa pag-iisip ko kung pupunta ba ako o hindi.
And this..
Hindi siguro kami para sa isa't-isa..
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Diba ginusto ko 'to?
Bakit naiiyak ako?
Bakit parang gusto ko siyang pigilan umalis?
Pero tama na rin siguro 'to.
Sa akin na nanggaling na,ayaw ko nang masaktan ulit.
Nagbihis ako,di ko alam kung bakit.Hindi dahil sa pupuntahan ko siya,dahil mamaya pa yung flight niya.
--
Naglibot lang ako,with myself,tapos nung halos nalibot ko na yung mall.Umupo muna ako at nagmuni-muni.
Minsan ang sarap din palang mapag-isa.Nakakapag-isip ka ng mabuti.Yung sarili mo lang napapakinggan mo,kaya malalaman mo kung ano ba talaga ang iniisip mo.
Kahit na itanggi man ng isip ko na nalulungkot ako at kahit na aliwin ko man ang sarili ko,oo alam ko.Alam kong gusto ko nang umiyak dahil ang sakit na hindi talaga kami para sa isa't-isa.
Ang sakit na akala ko okay na ang lahat.Pero may pagkakamali rin pala ako,masyado akong nadala ng saya.Nakalimutan kong umpisa pa lang pala yun.
Nagpalunod ako sa happiness.Parang hindi na nag-exist yung salitang 'sadness' at 'trial' sa akin nung mga panahon na yun.
Pero ano pa nga ba magagawa ko?Tadhana 'to e.
Wala na akong magagawa pa,ang balikan na lang yung mga memories ang kaya ko na lang gawin.
Nag-shrugged na lang ako at baka kasi umiyak ako.Naghintay na lang ulit ako ng ilang minuto at lumabas na ako ng mall.
Nagtaxi na lang ako pauwi.It's already 5:55pm na pala.Masyado akong nadala ng mga ginawa kong pag-aliw sa sarili ko.Naubos tuloy yung pera ko.Pero nung napadaan ako sa park ay pinahinto ko sa taxi driver.
Eto ako ngayon.Nasa park,buti na lang at wala pang taong nagpupunta dito kaya hindi nasira yung mga design.Di ko nga alam kung park pa 'to e.Para na siyang isang celebration hall.
Pumasok ako sa loob kahit na may nakalagay sa gate na sign na 'CLOSED',kaya naman pala walang pumupuntang tao -__-
Kahit napaka-cliche na ng mga design.May mga naglalakihang puso,mga rosas na red and pink at red carpet na puno ng mga petals ng rosas.
Gusto kong tumalon sa kilig at tuwa pero naiiyak ako.