Ika-labingwalong Kabanata

115 2 0
                                    

Kahit ako na lang mag-isa naglibot na lang ako,boring naman sa bahay e wala si Labs at mabagal ang internet connection.Hanggang sa hindi nauubos ang pera ko at hindi napapagod sa kakalakad tsaka hinihintay kong magutom para sa ending ng araw na 'to ay masaya.Yoohoo!Chicken BBQ and watermelon shake!

*Kroo-Kroo*

Eto na pinakahihintay ko!Nagugutom na ako.10pm na pala.Sana lang wala ng traffic,dahil excited na akong kumain.

Pumunta na ako sa sakayan,medyo traffic lang kaya naman 10:30pm na ako nakauwi.

Di na ako kumatok sa apartment,sigurado naman ako na tulog na si Hanna ngayon dahil marami siyang appointment ngayon nakita ko sa sched list niya.

Nang nasa kusina na ako at nung ibubukas ko na yung ref,nakita ko ang isang pirasong papel.

"Kakatampo ka!Lumabas pa naman ako ng 12nn para sa Chicken BBQ at sa watermelon shake,tapos di mo man kinain?Kinain ko na lang,di na masarap yun bukas e tsaka ininom ko na din yung shake.GOOD NIGHT :**"

Gusto ko ng umiyak sa nabasa ko,mas nakakaiyak pa pag nakatanggap ka ng rejection sa isang tao!Huhuhu,sinave ko pa naman yun para ngayon at para masarap ang kakainin ko.Ano ba naman yan!Wala na akong BBQ AT SHAKE!Huhuhu.

Tinignan ko ang loob ng ref pero TUBIG lang ang laman,di pa kasi kami nakakapag-grocery.@_@ ENEBE!

Lumabas ako para sana tumingin ng bukas na tindahan,tatlong tindahan na yung pinuntahan ko pero sarado na lahat.Naghanap pa ako ng tindahan,pero sa halip na tindahan ang makita ko,isang asong nakakawala ang nakita ko.Nagkatinginan kami for a while hanggang sa..

"Arf!Arf!Arf!"nakita ko ang mga pangil niya at mabilis na lumapit sa akin.Buti na lang at nakatakbo ako!Mga ilang metro din yung tinakbo ko hanggang sa makarating ako sa apartment.

Iiyak na talaga ako dahil sa kamalasan ko pero may nagtext na nakapagpagaan ng loob ko.

From:ML <3

Haha.Kakapalit ko lang ng contact name niya kahapon,pero wag kayo!Nilagyan ko lang ng less than at three.

[Good night.Tulog na!]

Letse!Dahan-dahan ko pa naman binabasa yung message,ayun lang pala.Grrr!

To:ML <3

(Di pa ako matutulog,gutom na gutom na ako.Nawala yung pagkain ko.)

Matiyaga kong hinintay ang message niya na inaasahan kong may laman na 'Dont worry,mahal pa rin naman kita.'O kaya naman ay 'Wait for me.I'll buy foods for you.'At lintik lang,oo parang napaka-imposible ng pangalawa,kaya yung una na lang yung hinintay ko pero kahit yung una.WALA!Dinouble send ko pa,pero 20mins. na ang nakalipas pero wala pa ding reply.Nakatulog na nga akong nakadukmo sa lamesa sa kusina.

*Ring-ring*

I-rereject ko na sana dahil inistorbo ako sa pagtulog ko sa lamesa pero pangalang ML <3 ang nakikita ko ngayon na tumatawag.

"O?Nice reply a.After 25 minutes."bungad ko.

"Talaga bang di ka pa kumakain niyan?Open the gate,I'm in the front of your cheap apartment.May accident sa dinaanan ko kaya medyo traffic."

Tumingin ako sa labas at nag-ningning at nakaramdam ako ng butterfly sa tiyan,si Patrick nasa harap ng bahay namin at may dalang bucket of chicken,sundae at drinks ng Jollibee. *0*

"I'm far from you but I saw the sparks in your eyes.Bilis na!"

Di na ako nag-atubili pa at agad kong binukas ang gate.

"O!"inabot niya sa akin ang mga dala niya.

"Di ka papasok?"nag-pout ako,kainis di man lang ako sasamahan kumain.

"Baka pag pumasok ako,humati pa ako diyan.Gusto mo?"

"Oo.Tara na!"hinila ko pa siya papasok.

"Hindi na.May curfew ako ngayon e,tumakas lang ako kay ate Deniez,ngayon kasi yata dadating si Mama.Bukas na lang.Bye!"aalis na sana siya pero hinila ko siya palapit sa akin.Bigla ko kasi na-feel na ang swerte ko sa manliligaw ko.Pano pa kaya kung boyfriend ko na siya?I can't imagine what are the sweetest things that he can do for me.

"Salamat.I love you!"I kissed him pero sa cheeks lang.Haha!Baka di ako makapagpigil pag sa lips e.Charot!Joke lang.

"Bat doon lang?"he said habang nakataas ang isang kilay.

"Bad breath ako.Haha!Sige na.Uwi na,lagot ka sa mama mo."

"Daya mo.Bye!I love you,too."hinaplos niya ang pisngi ko and he gave me an assure smile na parang sinasabi na safe ako sa kanya.PLESS NAMAN,Patrick! Wag kang ganyan baka dito kita patulugin.Haha.

Nginitian ko siya at sumakay na siya sa kotse niya.

"Bye!Seeyah tom."sabi ko sa kanya habang ini-start niya yung kotse.

"Uuwi na kita bukas.Sige na pumasok ka na.Baka may kumidnap pa sa masura kong ML."inirapan ko na lang siya at umalis na siya kasabay ng pagpasok ko sa loob ng bahay.

Kinain ko na ang lahat ng dinala niya,as in walang tira!Hahaha!Hayy!Sa tingin ko,napatunayan niya na.Kahit na kahapon lang yun,alam ko namang totoo dahil bihira lang ang lalaking pipila pa at makikisabay sa traffic para lang sa babaeng importante sa kanya.Swerte na ako kay PATRICK SANTIEZ. Minamahal ako at pinapangiti ito na siguro ang mga importanteng dahilan para mapatunayan ang isang pagmamahal.Sabi nga hindi dapat pinapatagal ang panliligaw lalo na kung alam mo naman ang nararamdaman niya ay totoo para sayo.Dapat pinapatagal ang isang relasyon upang tumatag at maging masaya dahil hindi naman lahat ng relasyon na pinatagal ang panliligaw ay tumatagal din.

*Author's Epal *

Comment and vote ;*

XOXO

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon