Ika-tatlumpu't isang Kabanata

77 0 0
                                    

Iniwan na ako nung dalawang love birds dito sa sofa na kanina naming inupuan.Tsk!Masyadong clingy yung dalawa sa isa't-isa...

"Bat ang ingay niyo?"tanong ni Patrick pagkalabas ng kwarto habang kinukusot yung mata.

"Ewan ko ba sa dalawang love birds na yun."tinuro ko yung dalawang naglalambingan sa seashore,tanaw kasi sila mula sa upuan ko.

"Tara."iniabot niya sa akin yung kamay niya.

"Aano tayo?"tanong ko.

"Sa impyerno.."at aba!Umirap pa.

"Psh.Tara!"iniabot ko na din yung kamay ko sa kanya.Meaning.holding hands kami.HIHIHI :D

Ang ganda ng kalangitan,pasilim na kaya naman orange na may halong pink yung ulap.

"Ang ganda.."mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin.

"Ko?"

"Hindi.Yung ulap..."*pout* salbahe talaga 'to e."Mas maganda ka kasi sa kanila."okay -_- kinilig ako! Hmmmmft!

"Psh!"wala kasi akong masabi sa banat niya

"Kinilig ka lang e."sabi niya ng may mapang-inis na ngiti.

"Oo na!Oo na!"suko na ako..

"Kaya mahal kita e.Lagi mo kasing pinapahalagahan yung mga sinasabi ko."gamit ng kaliwang kamay niya niyakap niya ako,pero hawak niya pa din ang isang kamay ko.

"Pano ba yan,mahal din kita.."dahil nga nakayakap siya sa akin at nakaharap ako sa sunset ay nakita ko ang ganda nito."Wuy!Tignan mo o!Ang ganda!!!"humiwalay ako sa yakap at nagtatalon habang tinuturo sa kanya yung sunset.

"Mas maganda ka sa ulap pero pinakamaganda pala yan."napangiti ako.Totoo naman,tanggap ko na mas maganda talaga yung sunset kesa sa akin.HUHUHU!

"Ang romantic nito noh?"sa pagkakataong 'to umupo na kami.

"It will always be romantic when I'm with you."sabay ng pagsabi niya nun ay ang tuluyang paglubog ng araw.Humiga kami sa makinis na buhangin at napatingin naman sa kalangitang kanina lang ay orange at pink ang kulay ngayon ay puno na ito ng bituin.

"Sabi may meteor shower daw ngayon."sabi ko habang nakahiga pa rin at hawak pa rin ang kamay ng isa't-isa.

"Talaga?"

"Yep."

"Anong gagawin mo?"

"Magwi-wish malamang."

"Bakit kailangang mag-wish sa isang bato?Kung pwede namang gawin ng tao ang gusto niya kahit walang shooting star?"

"Tulad nga ng sabi mo,foundation siguro ng mga tao yan."sagot ko.

"Psh.Basta ako di ko na kailangan yan!Nandito na yung winish ko e."tapos tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Salamat."at hinalikan niya ako sa noo.

"Alam mo sa bawat segundo na kasama kita gusto ko nang gawin ang lahat na pwede kong gawin,baka kasi ayun na ang huli."

"Bakit ba ganyan kang magsalita?"tumingin na ulit ako sa itaas."Sabihin mo nga..May balak ka bang iwan ako?"ayaw kong tumingin sa mga mata niya at baka maiyak ako nang wala sa oras.

"Ewan ko."sa sinabi niyang yun parang gusto ng tumulo ng luha ko.Ewan niya?Means maaring gagawin niya."Pero sinisigurado ko sayo na kung iiwan man kita poprotektahan pa rin kita dahil hindi lahat ng nang-iiwan ay wala ng pakelam,minsan ginagawa yun para protektahan ang taong mahal nila hindi para saktan ang isa't-isa."kahit na may kagandahan na ang sinabi niya bakit parang hindi pa rin ako masaya?

Naramdaman niyo na ba yung happy ending na pero hindi ka pa rin masaya?Parang pag nanunuod ka ng isang paborito mong palabas tapos happy ending na nga pero nandon pa rin yung feelings na masakit kasi may nawalang nakakapagpasaya sayo?Ganon ngayon ang nararamdaman ko.

Masayaperofeelingkomaymawawala..

"Tara,pasok na tayo."sambit ko sa kanya at tumayo na ako,inalis ko na yung pagkakahawak ng kamay namin.Nawala yung pagka-romantic at nawala na yung good mood ko.

Pumasok na ako pero siya hindi pa,alam kong nakatingin siya sa akin habang palayo ako sa kanya.

Yung ibubukas ko na yung pinto,naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin.

"O?Bakit ganyan ka makayakap?"yung yakap niya kasi para akong hindi ako makakahinga.

"Let me hug you for a second.."pinabayaan ko na siya.

"Bakit ba ? Aalis ka ba? Ano ba?"di ko na napigil pa ang mga luha ko.

"No.Diba sabi ko sayo gusto kong gawin yung mga kaya kong gawin sa bawat magkasama tayo?"tumango lang ako.

"Wag mo akong iiwan hah!*huk*"humarap ako sa kanya and I cupped his face.

"Yes.Never.."habang tumatango siya ay nakangiti siya sa akin.

"Thanks."hinawakan niya ulit yung kamay ko at naglakad na papunta sa loob.

"Napaka-iyakin mo noh?"sabi niya ng hindi tumitingin.

"Sayo lang..Iniiyakan ko yung mga taong mahalaga sa akin.Kaya yung mga luha ko ang pinakainiingatan ko."hinalikan niya ulit ako sa noo.Naghiwalay na kami dahil magkahiwalay ang kwarto namin.

Pagkahiga ko ay hindi agad ako nakatulog.Iniisip ko yung sinabi niya,hindi naman ako manhid at tanga para hindi malamang may ibig sabihin yun.Hindi niya sasabihin yun para lang saktan ako..Pero syempre may tiwala ako sa kanya na hindi niya ako iiwan tulad ng sinabi niya,pero bakit ganon parang pinapaasa niya ako?May magagawa pa ba ako kung iiwan niya ako?Iiyak ba ako habang hinihintay siya o aasa akong dadating siya kahit walang kasiguraduhan??

Malamang umiiyak tayo kapag may masakit sa atin physically or emotionally.Iiyak tayo sa ayaw at sa gusto natin.Napipigilan natin yung pagtulo ng luha natin,pero hindi mo pa rin matatanggi ang pakiramdam na umiiyak ka na talaga hindi mo lang pinapakita..

At umaasa tayo kahit hindi tayo sigurado kung ano ba ang kalalabasan ng pag-asa natin,maaring masaktan tayo sa huli o sumaya. Pero sa tingin ko ang pag-iyak dahil umasa ang pinakamasakit na pag-iyak...

Dahil ang pag-asa ay pwede nating gawin lakas pero maari din natin itong maging kahinaan...

Pero ano ba yung pipiliin ko umiyak o umasa???

Alam ko sa parehong pipiliin ko ay masasaktan ako,pero sana KUNG sakali man na iwan niya ako ay mapili ko ang less na sakit at less na iyak ano man ang pipiliin ko..

--

*Author's Epal*

Ang konti ng UD ko ngayon noh.HAHA,bawi na lang :) Comments and votes guys :)

XOXO

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon