Halos di na ako nakatulog kahapon.Hay!Iba talaga yung impact sa akin ng Santiez na yan!
"Labas lang ako hah ! Sabi mo ako yung snorlax,ikaw din pala!HAHA."sabi ko sa natutulog na si Patrick.
Ang ganda ng kulay ng tubig sa dagat,parang kulay ng tubig sa boracay at white sand din siya,mini boracay yata 'to.8:00 am pa lang kaya okay pa yung sunlight,healthy pa sa balat kaya masarap pang magmuni-muni sa labas at panuorin ang mga alon na nakakaaliw.Nakakatanggal ng problema at nakakaalis ng stress.Hay!Ang sarap ng tahimik na buhay..Yung masaya ka lang kasama yung taong mahal mo.Sana ganto na lang lagi...Pero syempre sa ayaw at sa gusto natin dadating yung mga struggles kailangan na lang siguro nating maging matatag.
"Ohh!What a coincidence Ms.Yap,am i right?"tanong nung babaeng familiar ang mukha sa akin pero di ko maalala kung saan ba kami nagkita,mukha namang hindi siya importanteng tao sa akin kaya siguro hindi ko na siya know.
"Yes.I think I saw you before.Am I also right?"ngumiti siya ng nakakainis,ewan ko ba kung bakit nakakainis ang dating niya sa akin.Basta nakakainis siya,isama mo pa yung make-up niya na isang foundation yata ang inubos at yung blush-on niyang mapula pa yata sa lipstick niya tapos kung makataas ng kilay parang parte na ng anit niya yung eyebrow niya sa taas.Hay!Masyado ba akong exaggerator?Bayaan na.
"Yes.I kissed your so called 'boyfriend' in the resto."sabi niya with matching pagalaw-galaw ng leeg.Argh!
"Ah,okay.Kiniss niyo lang naman pala yung isa't-isa e,sorry,MAHAL namin yung isa't-isa.Sige una na ako."sabi ko sabay ngiti dahil mabait akong bata.Tapos yung tungkol sa kiss nila?Muntik na akong masuka when I said the 'LANG NAMAN' part.Jusko!Muntik na nga kaming mag-break nun e.
Tumalikod na ako ng bigla niya hilain yung braso ko.Pusang gala naman o!Feeling ko lahat ng stress kong nawala ay bumalik sa akin ng doble.
"Why?"sabi ko ng mahinahon.Ayaw kong lumaban e,lalo na pag si Patrick ang pinag-uusapan.Baka sa maling kilos bigla na lang mawala ang lahat dahil sabi sa akin ni Patrick ay isa siya sa option ni Mrs.Santiez.
"I want you to know na ako ang isang option ni Tita aside from Zeena na lampa."
"Alam ko,Patrick told me.Miss,I pity you.You're just an option and you're okay with that?What are you?A dress?Toy?Or what?I don't want a fight miss."
"Oh.Matapang ka para sabihan ako niyan hah,Ms.Yap?Let me show you who is Victoria Singson."nagulat ako dahil bigla niya akong sinabunutan,iniaalis ko lang yung kamay niya sa buhok ko,ayaw kong lumaban.Naduduwag ako pagdating sa kanya,nag-aalangan akong gumalaw kapag related sa kanya.Feeling ko,lagi siyang mawawala sa isang maling galaw ko.Baka gawing butas ang mali kong galaw para maghiwalay kami.Napaka masokista ba?Mahal ko e.Handa akong masaktan wag lang siyang mawala.
"Hey,stop it.Victoria ! Don't hurt her nor touch her."nakita ko si Hanna na nasa likod ni Victoria habang pilit nitong inilalayo sa akin."Hoy!Wag mo sabi syang hawakan e."at buong pwersa niyang hinila palayo sa akin si Victoria kaya napa-upo siya ng bigla.
"What are you doing here?Pati ba naman dito aagaw ka sa eksena?"sabi ni Victoria habang nakaupo pa rin.
"Yes,Goddess in the beach.How 'bout the b*tch?What are you doing here in the beach?Rhyming.Asteeg!"natawa naman ako sa ekspresyon ni Hanna.Kasi halatang inis na si Victoria sa kanya.
"Magkakilala kayo?"tanong ko.
"Of course my dearest cousin.Siya ang tinaguriang 'Pambansang Higad ng Pilipinas' sa Philippine Magazine,kaya lang naman nagkaka-photo shoot yan dahil pati manager at photographer pini-flirt niya e."tumayo na si Victoria sa inis.Grabe!Priceless ang expression!WAHAHAHA!Di naman pala siya uubra kay Hanna Labs e.