Paggising ko..Wala na yung tatlong mag-pinsan,dahil hindi dito natulog si Word at may lakad pa raw siya pero sa tingin ko wala naman talaga gusto lang niyang makaalis sa pangi-imbyerno nung tatlo at kaya siguro hindi na nasiyahan mag-over night ang tatlo.Tsk!Nasang-nasa kasi sila sa mga abs ni Word na kita sa fitted shirt niya,Kahit na inutos ko lang sa kanila yun ay tinotoo talaga nila yun.Gusto din kasi nila na makita si Word at makasama,napagalaman ko kasing crush talaga nila si Word matagal na,kakilala nila dahil nga PEYMUS si Word .Tanging si Hanna lang ang nasa mga kwarto.
Hindi ko na ikukwento sa inyo,masyado akong nagiging madaldal basta isipin niyo na lang na iritang-irita ang gwapo,cool at mahangin na si Word. Kahit gusto niyang magsungit ay hindi niya magawa dahil nga wala siya sa teritoryo niya baka gusto niyang lumabas sa village na walang saplot.Wahaha!At tsaka ayaw niyang mayurakan ang pangalan niya.(lalim,haha)
"Umalis na yung tatlo?Anyare kagabi?" tanong ko kay Hanna habang nagkakape sa loob ng kwarto niya.
"Pinaalis ko.Kaingay e." sagot niya habang malalim pa sa pacific ocean ang iniisip.
"Oy malunod ka sa sobrang lalim ng iniisip mo.Problema?" tanong ko pagkaupo ko sa sofa niyang munti.
"Sobrang ganda ko kasi.." akala ko seryoso na. -_-
"Ayy!Malaking problema na nga yan.Malaking problema sa utak.Ayusin mo na baka lumala pa." pabiro akong nagseryoso pagkasabi ko sa kanya.
"Tse.Eto na nga!Wala kasi akong mahanap na kasama kong maging cover sa isang photoshoot na naman,alam mo na!Ang ganda ko kasi kaya laging ako yung kinukuha.Lagot ako dahil wala akong nahanap,pinangako ko yun kaya malaya akong nakakapunta sayo noon sa hospital." hayy!Tsk.Bakit pa kasi nabuo yang mga promises na yan kung masisira lang din naman!
"Nag-promise ka,kaya kailangan mong tumupad."
Bigla naman nagliwanag ang itsura niya na parang nakaisip na ng solusyon sa problema niya. "Aha!Dahil ikaw naman ang dahilan ng pag-promise ko..Ikaw ang makakasama ko!!" HUWAAAT!!!
"Wow hah! Salamat sa pagpunta.." sarkastiko kong sabi.
"Hieee~*sigh* Tulungan mo na lang akong maghanap..Plith??*insert sparkling eyes here* "napa-sigh na lang rin ako.
"Ano pa nga ba magagawa ko,diba??" napatalon siya sa kama niya at tumakbo papunta sa akin saka niyakap ako na parang ilang libong taon kaming hindi nagkita.
"Da best!!" nakangiti niyang sagot at tinulak na ako palabas. "Bihis ka na!Ayy!Mali,maligo ka muna.Dugyot ka na.Byiee.Labya." sabi niya sabay lock ng pinto.
Kesa naman ngumanga ako dito at sumagi na naman ang lalaking yun sa isip ko.Mas mabuti na sigurong may gawin ako ng hindi ako ma-bored at mag-flashback sa sarili ko ang mga nangyari.Nakakapagod kasi..Lagi na lang ganito.
---
"Good!You did an excellent shots Ms.Yap!" ayaw ko man aminin sa sarili ko na natalo ako kay Hanna ay dapat na ring tanggapin.Opo!Ako na nga ang new model ng isang company.I already signed the contract for 1 year lang naman.
Wala na akong nagawa sa pamimilit at pagmamakaawa sa akin ni Hanna, isama mo pa ang death threat nung pinangakuan niya.Maka-death threat e,noh?Bakit ba!Ayun yung tingin ni Hanna sa banta nung baklang photographer e.
At napagtanto ko rin na parang wala namang masama,mahilig naman akong mag-selfie at maganda naman ako.Naiinis lang kasi talaga ako sa mga photographer at mga model na matataas ang tingin sa sarili.Si Hanna,konti lang naman ang hangin sa katawan parang pwedeng ihambing sa pinakamalakas na electricfan niyo tapos mapanlait siya but in a friendly or in a joke way.Ganon!Mabait siya,PROMISE :)) Haha!Nahawa lang naman siya sa lakas ng hangin ng mga nakasama niya,yung hangin kasi ng mga kasama niya kayang magpalipad ng eroplano tapos makapanglait akala mo kagandahan at kagwapuhan,maganda pa kaya yung mga natitira kong libag sa kanila.!Napakamapanlait talaga!Tsk!Buti na lang ako hindi.Ambait ko,sh*t!
