Ika-apatnapu't isang Kabanata

102 0 0
                                    

Isang linggo na kami hindi nagkikita ni Word kahit text ay wala.Ano kayang nangyari dun?Tuwing tinatawagan ko laging unattended,humihinga pa kaya yun?Hahaha.

May photoshoot kami ngayon,siya ang ka-partner ko kaya naman kahit maupod na ang daliri ko sa kaka-dial ng cellphone number niya ay ginagawa ko.Lagot siya sa akin kapag nagsolo-flight ako sa photoshoot.Letse siya,sayang yung sahod,palibhasa mayaman siya!!

Mga 30 minutes na yata ako tumatawag sa kanya sa loob ng 30 minutes na yun wala siyang sinagot kahit isang tawag.Pag hindi niya pa talaga sinagot ‘to,wag siyang magpapakita sa akin.Akala ko pa naman lagi siya yung nasa tabi ko tapos ngayon isang linggong hindi nagpakita!

*ring-ring-ring-ring-ring*

[Ano ba problema mo,Miss?] wow hah!Di niya ba ako iinisin?

“Ikaw yung may problema!May photoshoot tayo mamaya!” pasigaw kong sabi.

[About doon nga pala.I’m busy,pero meron na akong kapalit dati rin nilang model.Kasing gwapo ko rin wag kang mag-alala.]

“Wala akong pakialam kung ano itsura niya kung alien siya,unknown creature at kung engkanto siya.Ano bang nangyari sayo?Akala ko nasagasaan ka na ng 75 wheeler truck e.” patawa-tawa kong sabi.

[Na-miss mo lang ako e.] alam ko naka-smirk siya -_-

“Oo na!Haler!Ilang taon mo nang ginugulo yung precious life ko,malamang I’ve used to it.”

[Tsk.Sinasabi mo lang yan!Sige busy pa ako e.Bye.]

"E?Di ka magku-kwento?Wala man lang word of wisdom si Word O. Wisdom?" may halong lungkot kong sinabi.

Narinig ko yung pag-sigh niya bago magsalita.

[Learn to forgive,dump the pride and be true,you will find the happiness.Take care,Miss Yap.Wag kang male-late mamaya,isang magaling na modelo ang kapalit ko."

"Bye,Inga--"

*toot-toot*

Bye,ingat ka Word.

Naibulalas ko na lang dahil sa pag-end niya sa call.Bastusin talaga yun!Nakakatamad tuloy mag-photoshoot dahil hindi siya yung partner ko,yung theme pa yata na gagawin ko kasama ang makakapartner ko ay 'SWEET' -_- Hayy,Wag sana akong mailang.Iba kasi pag kakilala mo na yung ka-partner mo,komportable ka.

--

Kasalukuyan akong minemake-up-an ng biglang sumigaw yung photographer.

"Faster!Malapit na yung pinakagwapong model!!" ang landot talaga ng baklang 'to.Sabi niya noon si Word daw yung pinakagwapo!

Pinakagwapo?E si Word na nga yata ang pinakagwapong model na nakita ko!!Hahaha!Yung ibang model kasi pang-karaniwan lang yung itsura,pero si Word?Hanggang galaxy ang gwapo.

"Sino ba yun?May mas gwapo pa ba kay Word?" tanong ko kay bakla.

"Ahm,lamang lang ng mga 1/4 na paligo yung dati naming model.Pero gwapo silang pareho syempre.Yummy pa!HAhahaha." Tsk!Di na mahiya 'tong binabaeng ituu!

"Pa-VIP pa yun.Tapos na ako.Nasan na siya?" top model ako dito maliban kay Hanna kaya may karapatan akong mag-reklamo.Pag ayon hindi naman ka-gwapuhan mabu-boom peyns sa akin yun!

Tumanaw siya sa labas.Ako naman tinignan ko yung cellphone kong nag-vibrate dahil sa text ni Hanna.

(Kakilala mo na ba kung sino ang makakapartner mo?Ghaad!Kaya mo yan.Nakamove-on ka na naman e.Good luck *u*)

"Sakto,eto na pala siya."sabay ng pagpasok ng isang lalaki ang pagtingin ko sa mukha niya.

Gwapo nga ang dating model nila,mas lamang nga siya ng kaunting gwapo.Sa sobrang gwapo niya parang nag-chinese garter ang puso ko at tumalon sa kabilang side ng katawan ko.

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon