Napapikit ako ng saglit at..
"THANKS LORD!GISING KA NA,LABS!I miss you!!"Kahit na malayo ako sa kanya ay muntik na akong mabingi sa sigaw ni Hanna.
"Oo nga.Halata ngang miss mo ako..Hahaha!"ewan ko ba kapag si Hanna na ang nakikita ko hindi pwedeng hindi tunay na tuwa ang nararamdaman ko.
"Wala man lang I miss you too! *pout* "nagtampo pa ang loka!
"Alam mo,para sa akin isang araw lang akong natulog.Kaya yung mga nangyari nung isang taon tandang-tanda ko pa.."tumingin ako sa other side para hindi niya makitang nalungkot ako.
"Sa tingin mo ba hindi ko alam yung nararamdaman mo Kahit hindi kita nakikita?May paiwas-iwas tingin effect ka pa."bakit ba napakalakas ng pakiramdam nitong babaeng 'to?Hindi ako makapagtago ng nararamdaman sa kanya.
"Ikaw lang mag-isa?Nasan si Ken?Loko talaga yun di man lang ako puntahan."segway tawag dun.Haha!
"Lakas maka-segway hah..!!"diba?Wala kang matatago sa kanya?Alam na alam niya kilos ko. "Si Ken,laging nandito yun.Nagbabantay kaming tatlo nila Word dito araw-araw..Sinundo niya lang sila Tita Shanell at Tito Kevin,alam mo!Alalang-alala sila Tita at Tito sayo."kaya mahal ko din ang Lim family e!Pamilya na rin ang turing nila sa amin ni Hanna dahil wala naman lagi sila Tita na mommy ni Hanna,tumayo sila bilang pamilya sa amin.
"Sorry hah!Masyado ko kayong napagalala..Di ko naman kasi akalaing mangyayari sa akin 'to.Di ko akalaing halos mamatay ako,nung nasagasahan kasi ako hindi na yung sarili ko iniisip ko e..Siya..."nagbabadya na naman ang mga luhang namumuo sa mata ko.Totoo,wala talaga sa sarili ko yung iniisip ko nung halos mamatay ako,kaya wala na akong pakelam sa mga nangyayari.Gusto ko lang,ay yung bumalik siya.
"Makakalimutan mo rin yun tsaka yung mga nangyari.Kailangan mong maging matatag ng wala siya.It will serve as your path,wag kang magmahal ng sobra dahil pag nasaktan ka doble." dapat pala pinakinggan ko siya noon ng hindi ako nagkakaganito.
"Di ba talaga siya pumunta dito?Di man niya lang ba ako sinilip man lang mula sa labas??Ganon ba kalaki ang atraso ko sa kanya para mawalan siya ng pakelam sa akin?" naramdaman kong tumulo na ang luha ko.
"Pumunta siya nung araw na naaksidente ka,pero pagkatapos nun nawala na siya,Kahit si Ken di alam kung saan nagpunta pati nga daw family niya wala na..Tsaka Wala kang ginawang masama,minahal mo lang siya.Di niya nga lang yun napahalagahan.G*go kasi siya,kaya dapat hindi iniiyakan yun,he's just a dust."
Nawala lang siya bigla?Nag-alala kaya siya sa akin Kahit konti man lang?
Iniisip niya rin kaya ako tulad ng pag-iisip ko sa kanya?
Nanghinayang din kaya siya tulad ng panghihinayang ko ?
At..
Minahal niya kaya ako Kahit saglit o segundo man lang?
Ano ka ba naman,Joriza. Isa lang sagot diyan sa napakarami mong tanong,HINDI.Kumbaga sa multiple choice,wala sa pagpipilian ang sagot niya..
"Bakit ganon,Hanna? Bakit.."binaling ko ulit yung tingin ko sa kabilang gilid."Bakit..mahal ko pa rin siya..??"
Kung sa ibang tao lang siguro nangyari ang mga nangyari sa akin baka kinamuhian na siguro nila si Patrick,pero bakit ba kasi ganto pa rin ang nararamdaman ko?Bakit parang walang nagbago?
"Nandyan si Word." di ko alam kung saan nanggaling ang sagot ni Hanna na yun.
"Huh?"
"Tulad ng sinabi ko,nagbantay rin si Word sayo ng isang taon." huh???ISANG TAON SIYANG NAGBANTAY??
"Baka he feels pity lang.."nagkibit-balikat ako. "Kahit sino naman siguro gagawin yung ginawa niya,Kahit ako naman kapag may nakita akong naghihingalo sa daan tutulungan ko rin." tuloy ko.