Pumunta na siya sa fitting room at isinukat na ang damit.
"Grabe ang ganda ko!Mukha na akong dyosa.No I mean mas lalo akong nagmukhang dyosa."sabi niya kahit siya lang mag-isa bilib na bilib siya sa kanyang sarili nagpo-pose muna siya sa harap ng salamin ng fitting room.Kung may makakakita lang siguro sa kanya tiyak ay mapapag-kamalan siyang nakatakas sa mental hospital.
Lumabas siya sa fitting room at nadatnan ang lalaking naka-de quatro habang naka-cross arm at naka-shades.
"Sh*t!Gwapo."sabi niya sa sarili at napatitig sa lalaking nasa harapan niya.
"Sh*t!Ganda."sabi niya sa sarili na muntik niya ng mailabas,pagkalabas ng babaeng mala-dyosa lalo itong naging maputi dahil sa pula nitong damit.
Nagkatitigan sila for about 30 seconds.
"Wow ma'am!Bagay na bagay sa inyo."nabalik lang sila sa kanilang mga sarili ng magsalita ang saleslady.
"You don't need to have some salestalk.I'll buy that dress,kahit hindi bagay sa kaniya."sabi ni Patrick na nagde-deny na naman sa kanyang sarili dahil hindi pa daw talaga sure.
Nag-pout na lang si Joriza at pumasok ulit sa fitiing room upang mhubad na ang kanyang sinukat.
Pero nung nahubad niya na ito at inaayos na ay lalong bumilog ang mga bilugang mata nito ng makita niya ang presyo.
"6,999!?"pagka-gulat nito sa fitting room na narinig naman sa labas.
"Don't worry I won't deduct that to your fee."natuwa naman siya sa natonig niya at agad lumabas dala ang damit.
*Joriza's POV*
Pumunta na kami sa cashier at binayaran na.
Pumunta naman kami ngayon sa shoes chorva,at nagtanong siya sa stylist kung ano daw ba ang bagay sa damit na nabili namin at ang hatol?Jaran!!!Isang nakakapatay na high heels. -.- Feeling ko pag sinuot ko 'to nagsu-suicide ako e.HUHUHU.At di na ako nakakontra at binili niya na yun.Di na ako nagtatanong sa kanya , baka party nanaman kasi ito sa company nila.Tsaka sayang lang ang laway ko sa pagtatanong ko sa kanya ng matino na sasagutin niya ng walang kwenta.
---
Naglakad-lakad na kami sa mall at namili sa 2 oras yata naming kakalakad ay napagod din kami,finally.Haha
Umupo kami sa mga upuan na ginawa talaga para sa pahingahan.
Sa sobrang saya kong kasama ko siya nakalimutan ko na din pala yung iniyakan ko kanina.At sumagi nanaman ito sa isipan ko.
"Paano kung dumating si Zeena?"out of the blue kong tanong sa kanya na ikinabigla niya din.
"Ede masaya lalo na ngayon kailangan na kailangan ko siya."sabi niya habang pinapanood ang mga taong dumadaan sa harap namin.May ilan pa ngang nagpapa-picture.
Di ko maitanggi sa sarili ko na nasaktan ako sa sinabi niya.Pinipigilan ko na nga lang na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Mahal mo talaga siya no?"para akong tanga sa tanog na yun para ko lang sinaksak yung sarili ko.Ano pa nga ba ng aasahan kong sagot sa kaniya?
"Kailangan ko siya,Joriza." Diba?Di lang diniretso?Tss.Ako nga pala ang may kasalanan,nagtanong pa ako.Tumingin siya sa relos niya."Tara na."Hinila niya ako at tumakbo papunta sa isang boutique kung saan mayroong mini parlor.
"Miss,paki-ayusan siya.Yung magmumukhang tao."sabi niya sa babaeng sa tingin ko ay isang make-up artist.
"Anong magmukhang tao?Baka ikaw dapat yung dito!Tsaka aano ba tayo?!"bat ba?Kanina pa ako nagkaka-question mark sa ulo sa mga ginagawa namin e.Para san ba?Oo na,tanga na.Bat ba tinatanong ko sa inyo!Hahaha.Korni. -.-