Ika-labingtatlong Kabanata

127 3 0
                                    

Mga 2:00am na yata ako nakatulog,kakaisip kung ano ang sasabihin ko kay Patrick bukas.Buti na lang at linggo ngayon.

Wala si Hanna ngayon at wala akong magawa.Pupunta na lang ako sa mall,buti na lang at nakasweldo ako nung biyernes.Hahaha!Ma-mimiss ko 'tong sweldo na 'to.Kahit hindi na namin hinahanap madalas si Zeena may sweldo pa rin ako.

Nag-ayos na ako syempre naligo,nag-alis ng libag kahit wala naman libag at nag-toothbrush.Simpleng T-shirt ,jeans at converse lang yung suot ko.Apir!Ganda ko.

-Mall-

Agad akong nakakita ng gift shop , oo nga pala wala pa akong regalo dun sa abnoy na yun.Minsan lang akong mag regalo kaya bibilhan ko na siya tutal bongga naman ang surprise niya gazebo party for two e.Hahaha!

"Good Afternoon ma'am."afternoon na,12nn na ako nagising at 1pm na po.Hahaha!Kasalanan ko ba kung hindi ako pinatulog nung Santiez na yun?

"Good afternoon."bati ko din sa saleslady.

Pumasok na ako sa pinakaloob at agad nakakuha ng atensyon ko ang isang shooting star na gawa sa glass at nakalagay sa isang box na maliit.Agad kong pinuntahan yun,1500 lang!Ang cheap ko,isang kwintas na mahigit sa 5k yata yung regalo niya,tas ako 1500?'THOUGHT' ayan naman talaga yung kailangan sa regalo  noh at kaya Shooting star kasi siya yung laman ng wish ko kahit malabo matupad yun atleast siya ang nasa isip ko at siya ang hinangad ko nung dumaan yung shooting star.

Nagpunta na ako sa cashier at binayaran ko na.Ako na bahala sa wrapper.Hayy!Sayang din yung 15 pesos,wag ko na kayang ibalot?XDD

At dahil 1pm na at di pa ako kumakain ay nagugutom na ako,boring talaga pag walang kasamang kagalaan.Lumakad lang ako at naghanap na ng makakainan napunta ako sa food court,mas masarap dito kesa sa iba pang food chain mas madami pang papagpilian,MURA pa.

"Grilled squid , barbeque and 3 rice."agad na akong um-order dahil gutom na ako.Agad din namang nabigay sa akin yung order ko at buti na lang may vacant table.

*Chew*Chew*Chew*

"Can I sit here?"sabi nung malumanay na boses ng babae.Tumangala ako at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Oww!We met again."tama!Siya yung babaeng nakabunggo ko sa Jollibee,yung magandang babae.

"Yes.Have a sit!"

"Thank you.Tulad ng promise ko sayo!After natin kumain shopping tayo a.Mukhang di ka pa rin naman nakakapag-shop,maliban diyan sa souvenir na yan.Ang cute a."

"Ah,gift ko.Actually,late na nga e dapat kahapon pa."

"May 9 kahapon,right?"

"Yep.Bakit?"

"Ahm,birthday niya  din kahapon e."

"Sinong niya?"

"Ah someone who taught me what is life and someone na ayaw kong umiyak."

"Ah,sorry."

"No,its ok.Naalala ko na naman kasi siya e.Alam mo ba,umalis ako para di ko siya makitang umiyak?Ang tanga noh?Nasaktan ko ang sarili ko pati siya."tapos nakita kong pinunasan niya ng marahan yung tumulong luha sa pisngi niya.

"Okay lang yan.Lahat ng nangyayari may dahilan,even if we need to hurt.Malay mo,may makilala kang mas higit sa kanya."

"Thank you.Sorry a,ang arte ko,ngayon pa lang tayo nag-usap ng matagal anu-ano na nasabi ko sayo.Ganon ko lang siguro siya kamahal."

"Di lang naman ikaw ang ganyan,love hurts"

"Tara na nga kain na tayo,nagugutom na ako e.Hahaha!"tumawa siya pero hindi totoo halata mo sa mata niya ang lungkot na hindi niya malabas.

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon