Agad akong napaupo sa sofa sa mga nangyari.Ang saya!Parang kanina lang iyak ako ng iyak sa mga nangyayari,akala ko talaga mawawala na ako sa buhay niya.Akala ko iiyak na lang ako.
Pano naman kaya si Zeena? Kahit na ako na ang mahal ni Patrick parang nararamdaman ko yung sakit niya,mahirap ma-reject lalo na kung ikaw ang may kasalanan kung bakit kayo nagkalabuan.
Nasan kaya siya?Kahit na kahapon pa lang kami nagkakilala ng husto ,may care na ako sa kanya.Ang bait niya,kaya alam kong may maganda siyang intensyon kung bakit siya umalis.
"Ano iniisip mo?"sabi niya pagpasok niya sa office niya.
"San ka galing?"
"Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko."
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Ano bang sinabi ko?Oo,Joriza mahal kita."
"Kasalanan ko yata kung bakit nasaktan si Zeena?"
"Huh?Wala kang kasalanan,that's destiny."
"Destiny?Naniniwala ka na sa destiny?"
"Not really,pag kinasal tayo maniniwala na ako."
"Tss.Baka nga bukas lang tigilan mo na akong ligawan e."
"Gusto mo ngayon palang mag-propose na ako sayo e."
Napatameme naman ako sa sinabi niyang yun.Pano kaya talaga kung kami na hanggang sa huli?Yiee!Ayaw ko pang mag-imagine.Mwehehehe.Masyado pang maaga para magsaya wala pa kami sa climax kumbaga bibigyan pa lang ng title ang story kaya masyado pang marami ang problema na dadating.
"Nakalimutan ko ibigay sayo kanina.O!"sabay abot ko sa kanya nung regalo ko."Belated happy birthday!"masigla kong sabi.
"Ang cheap nito.Di mo man lang nilagay sa paper bag,manila paper lang yata 'tong pinang-cover mo."inirapan ko siya.Nakakabwisit talaga 'to.Naalala na nga,nanlait pa."Pero dahil galing sayo,this is a treasure."sabi niya habang tinititigan niya ang bigay ko.
Nginitian ko lang siya tapos agad kong naalala yung narinig ko kanina.
"Narinig nga pala kita kanina.Akala ko ba kailangan mo si Zeena? Nagpa-TY ka pa nung dumating siya.Pinagti-tripan mo ba ako?"
"Gossip girl.I need her because of my feeling,nako-confuse kasi ako kung ano ang nararamdaman ko sayo e.Kaya hindi ko maamin sayo,di pa ako sure nung una.Kaya gusto ko siya mahanap para ma-confirm ko kung wala na akong nararamdaman sa kanya at ayun tama nga ako,mahal na pala talaga kita ."sabi niya sabay pinch ng pisngi ko.
"Aray!Machakit."reklamo ko habang tinatanggal ang kamay niya sa pisngi ko.
"Bat nga pala shooting star?Diba sabi ko di ako naniniwala dito?"tanong niya pagka-alis niya ng kamay niya tapos binukas niya ang regalo ko.
"Di ka naniniwala pero ako naniniwala ako.In fact,natupad nga wish ko e."
"Ano ba wish mo?"he asked curiously.
"Ikaw."maikli kong sagot habang nakatingin sa kanya.
"Now,you make me believe what is shooting star.Na-fulfill niya din wish ko."
"Ano ba sayo?"
"Ikaw.Sabi ko kasi,sana mahalaga ako sayo.Then,totoo pala."
"Wew?"tapos binigyan niya ako ng nakakatunaw na tingin na para bang nasa pressure cooker ka na kahit anong tigas ng pakiramdam mo ay lalambot ito.
Lumalapit ng lumalapit ang mukha niya sa akin.Konting-konti na lang,sa sobrang tagal hindi ko na mapigilan pa.
"Achooo!"déja vu?
BINABASA MO ANG
Achooo!(Will Revise)
Ficțiune adolescențiRead if you're ready to encounter a rocky plot.