*Joriza's POV*
Pagkagising ko wala na si Patrick nung tignan ko siya sa kwarto niya.
Pero mga ilang minuto lang na paghihintay ay dumating na rin siya.Napaka-seryoso ng mukha niya...
"Good morning,san ka galing?"bungad ko.
"Sa company."sagot niya.
"Ahh.Minsan nga nag-iiwan ka ng note."
"Ngayon lang ako di nag-iwan."
"Sabi ko nga e."
"Kumain ka na?"tanong niya.Wow concern!!Hula ko may pang-inis na naman kasunod nito.
"Hindi pa,kakagising ko lang e."
"Ganon?"tanong niya ulit.
"Oo.Papakainin mo ako?"tanong ko.
"Ano ka 1-yr.old baby?Katawan mo lang yung pambata tsaka yung utak mo kaya wag kang mag-utos kung kaya mo."diba?Lintik talaga 'to e.
"Ikaw yata yung may sira sa ulo . Pag concern ka hindi pwedeng walang pang-inis e.Maluwag na ba yang mga turnilyo sa utak mo?"
"Tss."
*Krooo~* napatingin siya sa akin kaya naman na-shy akong konti.
"Hintayin na lang natin.Nagpa-deliver ako.."tapos pumunta na siya sa kwarto niya dahil magbibihis lang daw siya.
---
Pagkatapos namin kumain,umakyat ulit siya at nung bumaba siya may dala na siyang malaking maleta.Aano 'to?
"San punta?"tanong ko pagkababa na pagkababa niya.
"Diba sabi ko aalis tayo?"-__-"
"E malay ko ba kung saan yung BASTA na yun.Malay mo diyan lang sa MOA yung basta na yun!Magdadala pa ako ng maleta??"bat kasi 'basta' lang yung sinagot e.Halikan kita e..JK!
"Mag-impake ka na pang-tatlong araw,swimming attire hah.Kung may commonsense ka di mo na tatanungin kung saan tayo pupunta."Psh -___- e kung sinabi niya na lang na sa beach kami pupunta ede tipid sa laway.Tsk!
Nag-impake na nga ako at lumabas na rin agad pagkatapos.
"Let's go."He said then lumabas na sya.
Sumunod na ako.
"Nandun na ba sila Ken and Hanna?"tanong ko habang nagd-drive siya.
"Yeah."he answered shortly.
"Okay."ang tahimik niya naman,nabawasan ba ng dila 'to?Hayy,daldalin ko na nga lang.HAHAHA!"May kukwento ako sayo nang hindi matahimik noh?Okay lang?"ito forte ko e,mangdaldal.HAHAHA
"May magagawa pa ba ako?"pakibatukan nga po 'to.
"Alam mo nung bata pa lang ako immune na ako sa mga pangyayaring may sakitan scene not physically but emotionally.Sa sobrang immune nga nakakasawa na e.Buti na lang nandon si Ken at Hanna para baliwin ang malungkot kong mundo.Kaya sana,ngayong kasama kita maging masaya a--"
"Lakasan mo loob mo.Hindi lagi nasa tabi mo yung mga tao na kailangan mo sa bawat pagkakataon..."
"Bakit aalis ba sila?Aalis ka ba?"
"No one can tell what will happen tommorow.Kaya wag kang masyadong ma-attached sa mga tao...Kahit na sa akin...Permanente lang ang lahat ng nakalagay sa mundong 'to.."
"Ikaw naman!May toyo ka na naman noh!!!"hindi ko na naman alam ang nararamdaman ko.
"Psh.Be open-minded.Minsan kailangan mong magpaka-negative para hindi tayo nadidismaya sa mga mangayayari."hindi na ako sumagot baka kasi saan pa mapunta ang usapan namin.Pero mapipigilan ba yung sarili na hindi ma-attached sa bagay o tao sa mundo kung ayun yung nagpapasaya sayo?Posible kaya??
---
Nalaman kong property rin nila Patrick yung beach na ito.Para talagang fairytale yung love story ko.Prince Patrick ang peg niya.
Tapos eto nga pala si Patrick,natutulog.Napagod kakadrive,kaya wala akong makausap o magawa.Hayy,ang gwapo talaga ng boyfriend ko!LALO na pag tulog.XD.
"Hayy!Ang swerte ko talaga dahil ikaw yung boyfriend ko.I love you."tapos kiniss ko siya sa cheeks.Hihihi!
"Chansing pa si Labs.."napabalikwas naman ako dahil sa dalawang love birds na nasa harap ng pintuan.
Pumunta na ako kung nasan sila at umupo na sa sofa."Psh.Manners please.Bakit kayo nandito?Sweet moment na namin yun ee.."
"NIYO?E ikaw lang kaya,nagnakaw ka pa nga ng halik sa cheeks e."pang-iinis ni Ken.
"E...Gumanti lang ako noh!Dalawang beses o mahigit na kaya siya nagnakaw ng halik sa akin.Tsaka..."
"Tsaka??"tanong ni Hanna habang hinihintay yung kasunod ng sinasabi ko.
"Kung gaano kasi siya ka-sweet at kabait pag gising ganon din siya pag tulog.Malikot pa ako pag tulog sa kanya ee."
"Ano mabait si Boss?Hahaha.Was that a joke?"tanong ni Ken habang patawa-tawa.
"Oo.Diba?"sagot ko.
"Sa ka-close niya,minsan nga hindi pa.Kaya nalaman kong inlove sayo nun e.Ang bait sayo samantalang sa akin parang may hinanakit minsan tapos sayo napaka-jolly.Huhuhu!"sabi ni Ken habang kunwaring umiiyak.
"Oyy!Wag ka ngang gumaganyan para kang bading."sinapak pa ni Hanna si Ken.Sweet!Sapakan..Wahaha!
Sa akin lang pala siya ganun?Sweet yata yun diba?Hahaha!Kaya pala sa iba hindi siya kumikibo.Ghaad'inlove kami sa isa't-isa.Mehehe :3
"Talaga?"kunwari di ako makapaniwala.
"Oo."sagot ni Ken.
"Hoy!Ganon ka din dapat hah!Dapat din ganyan ka,sakin ka lang dapat."muntik nang maging clingy hah :3
"Clingy mo.Hahaha!"-Ken
Nag-form ng fist si Hanna."Gusto mo 'to?"napaatras naman si Ken.
"Kaya love kita.Girlfriend na,butler pa.Labyu!"cheesy talaga 'tong dalawang 'to.
"Hoy kayong clingy at under,tumigil kayo hah!"saway ko sa kanila.
"Psh.Masyado kang bitter,tulog lang si Boss.Hintayin mo..."sayang hindi natuloy yun suntok ni Hanna.
"Ituloy mo na nga yang fist mo na yan!"sabi ko kay Hanna.
"Joke lang,pinsan.*wide smile*"maluwag din turnilyo sa utak nito,kaya nagkakasundo sila ni Patrick.
---
*Author's POV*
Walang kwenta 'tong chap na 'to noh?I know that.WEHEHEHE :D Comments and vote x
XOXO