"Hoy dems kamusta na ang D'Real State empire? balita ko si devonne na ang President ah." Tukoy ni ash sa company nila dems. Devonne is her half sister.
"Ayon nakatayo pa rin wala namang bago, Tsaka yong si devonne busy sa boyfriend niya kaya nga haggard ako eh." balewalang sagot ni dems kay ash kaya naman napatawa ako ng mahina. Pilosopa pa rin.
"Sabi ko naman kasi sayo babes pakasalan mo na'ko or magpa engagement party na rin tayo para makapag merge na ang company natin." Ngising sabi ni waine siraulo rin talaga kahit kailan.
"Mukha mo tigilan mo nga 'kong lalake ka." Singhal sa kanya ni dems. kahit kailan.
"Babe sorry na kasi." pagsuyo ni caiden kay ash. They are 1 year and 9 months in a relationship and sila dems naman ewan ko ba kung ilang years or months sila.
"Mukha mo! Naku caiden takashima umayos ka!" Gigil na saad ni ash sa kanya.
"Magbebehave na nga eh." Saad ni caiden. Parang batang sabi niya.
"Sir damon and'yan po sila sir clark at ma'am autumn." saad ng maid na biglang sumulpot sa kung saan at nasa likod niya sila ate kasama ang kambal.
"Tito damon!" sigaw ng kambal at tumatakbong lumapit sa'kin.
"Kids don't run." Suway ko sa kanila at umupo naman silang pareho sa magkabilang lap ko.
"Sorry tito damon." Sabi ni spring sa'kin. She's bubbly at minsan lang mag sungit.
"Yes po tito." Sabi rin ni storm. Pareho sila ng ugali ni Spring kaso kapag may topak ay hindi siya makausap ng matino. They're both 5 years old.
"Batiin niyo sila tita at tito." Sabi ko at umalis naman sila sa lap ko para bumati kela ash at saka ako humarap kela ate.
"Anong sadya niyo ate?" Tanong ko sa kanya. Minsan lang kasi sila magpunta rito.
"Iiwan muna namin ang kambal sayo, Aalis kasi kami at bukas pa balik namin." Sabi ni kuya clark sa'kin.
"Ganun ba? Sige sa'kin muna sila." Sagot ko na lang. Siguro importante rin.
"Salamat kapatid, Ingatan mo sila ah." Paalala sa'kin ni ate at tumango na lamang ako.
"Spring and storm." tawag ni ate sa kambal na nakikipagkulitan do'n sa lima.
"Yes po mommy?" Sabay na tanong ni spring at storm.
"Aalis muna si mommy at daddy okay? Bukas pa kami makakabalik. Wag pasaway kay tito damon niyo, okay?" Paalala ni ate at tumango naman ang dalawa.
"Yes po mommy, Pasalubong namin ah. Wag mo po nikalilimutan ah." Sabi ni storm. Siya rin kasi ang panganay eh.
"Yes baby, We'll go ahead and take care of your sister I love you babies." paalam ni ate at humalik sa pisngi ng kambal gayundin si kuya clark at nagpaalam na sa'min.
"Kids, gusto niyo magswim?" Tanong ni ash sa kambal.
"Yes po tita ash yehey!" Tuwang tuwa na sabi ng kambal at nagtatakbo sa pool kasama yong lima.
"Yaya, pakidalhan kami ng snacks sa pool." Utos ko sa maid at umalis naman na ito. Pupunta na rin sana ako ng tumawag ang soon to be fiance ko.
*****************************
Ang kulit nila dems hahahaha. Ang kyukyut ng mga pamangkin nya
BINABASA MO ANG
The Emerald Meyer
RandomThis story is about the angelic girl who turned into a superior that everybody cant believe. This is all from my creative imagination