Dallas Arthemis Columbus POV
Music Background: A Chinese Ghost Story – Shang
Marahang huminto ako mula sa paglalakad sa beach.
Kamusta kana...?
Tanong ko mula sa malawak na abot-tanaw na dagat na mayroong malungkot na papalubog na araw na tanawin.
Naaalala mo pa ba ako....?
Mapait na ngumiti ako at namulsa.
Hinawakan ko din ang kuwintas na ibinigay nito saakin noon.
Alam mo.....
Sobra na kitang naaalala....
Kahit ang sakit-sakit na....
At sa bawat araw, oras, minuto at segundo na naaalala kita....
Pakiramdam ko.......
Naramdaman ko ang banayad na hangin na malayang tumatama sa mukha ko at marahang tinatangay ang mahabang buhok ko.
Para akong isang patay na nagagawang mabuhay kahit na wala ng puso at kaluluwa buhat ng umalis ka at iwanan ako sa kawalan.
Tumama na ang alon sa paa ko.
Ginawa ko naman na ang lahat....
Makita lang kita muli....
Pero magaling ka talagang mag tago....
Hindi talaga kita magawang makita......
Siguro tinataguan mo talaga ako....
Ayoko pang sumuko...
Pero.....
Hanggang kailan.....?
Hanggang kailan ko kakayanin.....?
Ngumiti ako ng mapait.
Ubos na ata ang luha ko...
Manhid na ata ang puso ko....
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...