Chapter 18

680 26 0
                                    



Shara Qina POV



"Ewan ko lang ha... pero kung totoong rape victim siya at halos muntikan na niyang makamatay yun.. bakit pumasok siya agad matapos ng isang linggong pag kakagising niya?" Tanong ni Sandy.



"Tumigil kana nga!" Inis na saway dito ni Wendy na kakambal nito.



Natigilan ako sa ginagawa kong pag huhugas ng kamay.



P.E break naming mga babae.. yung iba uminom ng tubig at yung iba naman ay nag CR katulad namin.



"Bakit totoo naman ah!? hindi mo ba nakikita yung mga ginagawa niya!? parang hindi siya dumaan sa trahedya ah!?" Usisa parin ni Sandy.



Hindi in good terms si Karen at Sandy simula pa lamang noong nasa 5th grade palang kami.



Ito naman talaga ang original na mag bestfriend bago nag-away ang mga ito dahil sa matinding kadahilanan.



"Nakakahiya kay Shara! kamag-anak nila si Karen." Putol ni Wendy sa pagiging taklesa ng kambal nito.



"Sorry Shara ha? I hope you don't mind pero simula noon pa man ay alam naman natin na mapag-gawa ng kwento yang si Karen.. una naniwala ako na baka nga na-rape siya dahil nabalita pa yun at halos ma-coma siya! pero para sa isang rape victim at—"



"Maging masaya nalang tayo na nandito na siya." Putol ko sa sinasabi nito.



Bagama't nakikita ko ang pinupunto nito.



"Baka malakas lang talaga ang loob niya... mas tamang suportahan at hangaan nalang natin siya kaysa tanungin ng kung ano-ano. Tulungan nalang natin siyang makalimutan ang pait sa likod ng naranasan niya." Wika ni Wendy.



"Hindi! wag nanga tayong maging impokrita dito! alam naman natin ugali ng baliw na Karen na yan! right Shara!?" Tanong nito saakin.



Tinawanan ko nalang ito bagama't gusto ko sanang sumangayon.



Yun lang at lumabas na ako ng C.R para makabalik sa field.



Mula sa madaming benches ay nakita kong masayang nakikipagtawanan si Karen kasama ng ilang babae pa naming kaklase.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon