Chapter 48

499 23 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Pagod na pagod na napaupo nalang muna ako saglit sa isa sa mga benches dito sa unibersidad. Paano ba naman kasi ay nakipagaway nanaman ako kanina at dahil sa malawakang rambolan na nagawa ko ay pinarusahan ako ni Headmaster na mag community service nalang instead na tuluyan ako nitong tanggalin o sipain sa unibersidad na ito.


Ganyan talaga kahirap ulit pag wala kanang kapit. Dati kasi may asawa ako na makikiusap sa isang Headmaster na mas pababawin nalang ang parusa! pero ngayon na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ay ganito talaga ang sistema. Mabait panga daw saakin si Headmaster ayon mismo sakanya! pasalamat daw ako at miyembro ako ng sekretong organisasyon niya kung saan marami na akong tagumpay na misyon na nagawa! kung hindi daw ay higit pa dito ang magiging parusa ko.


Magaling na guro si Dirk... nagagawa ko nang makontrol ang lakas at kapangyarihan ko na mas nahahasa ko pa sa tuwing may misyon na ipinapagawa saakin si Headmaster.


Pagod na kinulong ko ang mukha ko sa mga palad ko.. speaking of Dirk.. hanggang kailan ba ako nito titiisin!? second semester na pero ni anino nito hindi ko pa napapagkita! hinahayaan ko nalang ito dahil base sa pagkatao nito ay may ugali na talaga itong ganito.. pero hindi ko alam kung kakayanin ko pa na tumanga nalang sa isang tabi habang naghihintay na humupa ang galit nito.


Nag buntong hininga ako at inalis na ang mga palad ko sa mukha ko nang sa pag-alis nun ay makita ko ang lalaking halos ilang buwan ko nang hindi napapagkita.


He is standing straight, both hands on his pocket, looking at me as if he wanted something to discuss about.


Awtomatikong tumayo ako mula sa kinauupuan ko at ngumiti dito! tapos na ba itong magalit? handa na ba itong makinig sa wakas sa mga sasabihin ko? sa wakas ba ay napatawad na ako nito?


"Dirk." Masayang bati ko dito sabay salubong dito ng isang mahigpit na yakap! pumikit pa ako ng mariin para damhin ito ng mabuti.


Pero nakakailang sandali na ang lumipas ay nananatili lamang ito sa pagkakatayo nito habang ang mga kamay nito ay nasa bulsa lamang nito. Marahan na bumitiw ako mula sa pagkakayakap dito upang suriin kung ano na ang itsura nito.


Wala.


Wala akong nakikitang kahit na anong emosyon sa napakagwapo nitong mukha.


"Mabuti naman nagpakita kana saakin." Wika ko nalang kahit na alam kong may mali dito.


Hindi ito sumagot.


"Napatawad mo na ba ako kaya ka nandito? o nais mo lamang na makausap at marinig ang panig ko?" Tanong ko dito.


Pero hindi parin ito sumagot.


"Dirk, I'm sorry kung nakipagkita ako sa mama mo na walang permiso mo. I'm sorry kung sa tingin mo I felt sorry for loving you kahit hind yun totoo. I'm sorry for everything.. so please can you forgive me?" Tanong ko dito.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon