Chapter 53

598 31 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"Thanks, Captain Dirk!" Masayang pasasalamat ni Jayson dito.


Mabilis na lumingon ako sa bintana at binuksan ang kurtina nun sabay gitgit sa sarili ko doon para lamang makalayo dito ng umupo ito sa tabi ko.


Itinabing ko din ang kurtina sa mukha ko at sinolo ang view! maya't maya kung pumikit ako ng mariin at mapamura sa bibig ng walang sound!


Nyeta naman! tang ina ka talagang Jayson ka! noon ka pa eh! noon ka pang hayop ka! alam mo naman at for sure naman na nababalitaan mo ang nangyayari noon! wala ba talaga kayong awa para itabi pa saakin ang gagong captain niyo!? really!? gimme a break! fuck!


Bahagyang napabalikwas ako ng bigla nalang marahas na hinawi ng katabi ko ang kurtina na parang sinasabi nito na nakikitingin din ito ng view.


Kaya naman mukha ko nalang ang hinarang ko ng kurtina pero halos matamaan na nito ang baba ko nung marahas na tinanggal din nito yun.


"Aray nyeta!" Mahinang reklamo ko.


Tinignan ko ito ng masama.


Pero abalang-abala ito sa ginagawa nitong pagpapak sa strawberry jam at keso na ako pa mismo ang nag bigay dito.


Ano ba ang problema nito?


Hindi ko nalang ito pinansin para naman wala na itong masabi pa.


Parang tukso na naalala ko nanaman ang tingin na ibinigay nito sa ilalim ng ulan nung araw na yun! kaso kasabay din ng ala-ala na yun ay naalala ko kung papaano ito nilapitan ni Runa.


Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na may kung anong malikot na kamay ang nasa dibdib ko ngayon! sa may bandang kuwintasan ko!


"ANO BA!" Malakas na sigaw ko tuloy ng wala sa oras.


"Bakit anong nangyayari!?" Tanungan ng mga teammates nito.


"Pasensya na, may L.Q lang dito." Si Dirk.


Hindi makapaniwalang nilingon ko ito.


L.Q!? paanong L.Q!? hiwalay na tayo uy! pareho nanating tinapos yun!


"Pambihira ka Captain Dirk! ang akala namin kung ano na!" Nagtatawanang wika ng mga soccer player.


"Anong L.Q?" Bulong ko dito.


"Salamat." Wika nito sa halip.


Nagpapasalamat ba ito dahil dun sa mga ibinigay ko dito?


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon