Chapter 49

482 20 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV



"Alright, Captain Runa." Mabilis na sagot ng mga kasamahan ko dito.


Habang tahimik lamang ako sa ginagawa kong pagliligpit sa mga pinaggamitan namin para makumpleto ang misyon na ito.


"Captain Runa! diba kaarawan mo ngayon!? mag palibre kana man oh!" Masayang hiling ng isa sa mga kasamahan namin.


"Oo nga! Captain! tutal yayamanin naman ang boyfriend mo na si Commander Dirk." Tukso ng isa.


Dahil dun ay lumakas ang kantyawan sa loob ng kuwartong yun na mas lumakas pa ng dumating si Dirk.


Sandali kaming nagkatitigan dahil nasa may pintuan ako kung saan nga inaayos ko ang mga ginamit namin sa katatapos lamang na mission kung saan pinamunuan kami ni Runa. Saya diba? paano ko ito nagagawa? hindi ko din alam. Professionalism nalang din siguro itong matatawag.


O mas tamang sabihin na martyr nanga ata ako.


Ako ang naunang mag yuko ng ulo at nagpatuloy sa ginagawa kong pagaayos. Habang lumakad naman na ito para kintalan ng halik ang girlfriend kabit nito.


"Commander Dirk! kaarawan po ngayon ni Captain Runa! hindi po ba natin siya ililibre!? wala bang pakain diyan!?" Natatawang tuksuhan ng lahat.


"Oo nga! pakain! pakain! pakain!" Masayang cheer pa ng iba.


"It depends on her." Si Dirk.


Malakas na nag hiyawan ang lahat habang inaabala ko nalang ang sarili ko sa mga ginagawa ko dito. Nagpapanggap na hindi sila nag e- exist at mga boses lamang ng mga demonyo ang naririnig ko.


"You there, what do you think?" Narinig kong tanong ni Runa.


Pero ilang saglit pa at wala naman sumasagot dito.


"Dallas." Tawag saakin ni Pia.


Lumingon ako sa mga ito at doon ko lamang napagtanto na saakin pala nakatingin ang bruhildang babae na ito.


Na kung tutuusin ay kabago-bago palang naman saamin ay hinirang ng kapitan! hindi naman sa nangaano ako pero di hamak na mas deserve ko yun dahil kahit kapapasok ko pa lamang dito ay napakarami ko nang napatunayan. Yet iba na talaga pag may kapit ka.


"Anong sa tingin mo?" Maarteng pagkakatanong nito.


"Buhay mo, choice mo." Kibit balikat na sagot ko dito at bumalik na sa ginagawa ko.


"I never been insulted in my whole life before. Hindi ako makapaniwala na may isa sa mga miyembro natin Dirk ang ganyan umasta sa kapitan niya." Narinig kong parinig nito.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon