Dirk Izunia Salvatorie POV
"Ano daw ba kasi ang nangyari?" Si Rux.
"Hindi ko din alam eh! basta ang sabi lang niya ay itatwa natin kay Dallas kung nasaan siya." Si Gladys.
"Kanina pa ba yan?" Si Rux.
"Oo kanina pang umaga." Si Gladys ulit.
Hindi ko pinapansin ang mga ito at sa halip ay tahimik na tinungga ko muli ang hindi ko na mabilang sa dami na bote ng beer.
Tahimik at nakatingin lang saakin si Igor.
Walang may balak na mag tanong kung ano nga ba ang nangyari sa takot ng mga ito na masuntok o mabugbog ko.
"Kanina panga ako kinukulit ni Dallas eh! pabalik-balik! nakokosensya nanga ako." Si Rux.
"Oo nga eh! maskina ang soccer team namin kinukulit din niya! maging si Coach Allan! kaso mga wala naman masagot talaga dahil tayong apat lang ang nakakaalam kung nasaan si Dirk at itong hideout natin." Si Gladys ulit.
"Psst!" Sinipulan na ni Igor ang mga ito.
At sa wakas natigil narin ang bunganga ng mga gagong ito! mukhang nakikita na kasi ni Igor ang iritasyon sa mukha ko at ano man sandali kanina ay masasapak ko na ang dalawang kulugo na ito.
"Kamukha ko si Ferit." Wika ko sabay taas ng bote ng beer.
"Pare hindi mo kamukha yun." Si Igor.
"Pare tama na! alam namin na noong bata palang tayo ay idol na idol mo na ang isang yun! pero tama na." Si Gladys.
Habang tahimik lang si Rux.
"Sinasabi niyo ba na sinungaling ako?" Tanong ko sa mga ito.
Hindi nakasagot ang mga ito dala ng matinding takot! tumayo ako para idikit ang noo kay Rux na walang kibo! halos maging 'Reek' ito sa takot at parang naging ako si Ramsay Bolton.
"Sabihin mo na hindi ko kamukha si Ferit!" Utos ko dito.
"Kamukha mo si Ferit!" Sagot nito.
"No! I want you to tell me the truth! come on! don't be scared! I'm your fucking bro!" Utos at paalala ko dito.
"Kamukha mo si—"
"Seriosuly, Dirk? anong problema?" Putol ni Igor sa sasabihin sana ni Rux.
Nilingon ko ito at malawak na ngumisi.
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...