Chapter 44

606 26 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


Ilang linggo na ang nakakalipas mag mula ng malaman ko ang masamang balita tungkol kay Daddy Connor. Sa ngayon eto ako upang tuparin ang isa sa mga hiniling nito saakin bago ito mawala. Sa ganito man lang paraan ay makabawi ako kahit papaano dito. Sana nga lang ay maganda ang kalabasan nito.


Suot ang magarang white dress na ako lang ang gumawa at ang diamond with pearl na kuwintas at hikaw ay pumunta ako sa reunion party ng mga Wulfric, Forester at Salvatorie na dito mismo sa Northerland idinadaos na siyang kapitolyo nang kontinenteng Wolveroz.


Nag-email nalang ako kay Dirk para mag paalam na pupunta ako dito. Sigurado naman kasi ako na hindi ito pupunta dito dahil sa alitan sa pagitan nilang mag-ina na tiyak na naririto.


Maraming mapanuring mga mata ang tumitingin saakin as I expected.. kung hindi lang dahil sa bansa ko at sa mga tao na naroroon at umaasa saakin bilang bago nila pinuno ay hinding-hindi ko i-aapak ang mga paa ko dito.


Nag lakad na ako at sinubukan huwag ng pansinin ang mga mapanuring mga mata nilang lahat.. after all what I have been trough? sa tingin ko kakayanin ko naman ito ng mag-isa just like the old days again.


~"What a beautiful dress for a beautiful bastard eh?"


Narinig kong bulungan ng mga tao sa party sa pagitan ng paglalakad ko sa gitna ng mga ito.


~"Yeah right.. nakakahiya siya.. matinong dress pa ba yan!? para saakin kasi it's a harlot dress."


~"Well a harlot dress for a harlot like her."


Tuloy-tuloy lang sana ako nang hinarangan ako ng iba sa mga ito... halos ikutan na nila ako! wala akong daan na madaanan! kung pwede lang itulak ang mga ito ay ginawa ko na! 


Dallas! patience! remember how important your presence here.. this party for your people! remember that! tiis lang! maya-maya lang ay tiyak na titigil din sila.



~"Bakit siya nandito bastarda lang naman siya right?"


~"Maganda nga pala talaga siya.. siguro namana niya yan sa mama niyang puta."


Parang namingi ako ng marinig ko ang salitang yun... ang salitang 'puta' ang aking ina... I hate my mom! but she's still my mom and I still love her! 


Dallas! stop!



~"I wonder kung may mga kapatid pa siya? no doubt baka yung mga yun naman ang susunod na maging rape victim kuno! pambihira! bakit ba binubuhay pa sa mundo ang katulad nilang hindi natin kauri!?"


Halos manginig-nginig na ako sa galit ng suyurin ko ang buong paligid ng aking paningin... binabawi ko na ang sinabi ko kanina! wala na pala akong pakialam sa reputasyon ko! ayaw na ayaw kong binabastos ang pamilya ko! dibali ng ako! huwag lang sila na kahit tinalukuran na ako ay nananatiling pamilya ko parin sila.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon