Dallas Arthemis Columbus POV
Lumuhod ako para tignan ang mga delata na nakahilera.
"Ano kaya ang masarap?" Bulong ko.
Nasa isang grocery store ako para syempre bumili ng grocery! ano pa ba ang gagawin ko dito edi bumili nga nun diba?
"Bahala nanga." Usal ko sabay kuha ng lahat ng mga yun at lagay nalang ng lagay sa cart na hila-hila ko.
Napatingin ako sa nag-iisang strawberry jam na natitira sa hanay ng mga ito. Mabilis talaga maubos ang jam na ito kahit na kailan.
Ayan nanaman si ako eh! aaalala ko nanaman tuloy ang baliw na si Dirk at yung ginawa kong pagbili dito ng jam na ganito kamakailan lang.. tuloy parang gusto kong alamin kung bakit ba baliw na baliw ito sa ganitong jam at keso.
Matikman nga...
Masayang inabot ko yun pero kasabay ko ay may kamay na humawak din doon.
Tinignan ko kung sino yun.
"Pasensya na." Hingi ko ng despensa dito. "Sayo na." Wika ko sabay bitiw.
Dali-daling tumalikod ako dito para itulak ang cart ko palayo at makaalis na sa puwestuhan na yun! nag mamadaling pumunta ako sa meat section para mamili nalang muna ng mga karne na kakailanganin ko.
"Yes Ma'am?" Masayang tanong ng tao roon.
"Ako na ang kukuha ng mga karne na bibilhin ko pwede?" Tanong ko.
"Sure po." Sagot nito.
"Thanks." Sagot ko sabay kuha ng tongs para makapagsimula na akong kumuha ng mga karne.
"Yes, Sir?" Narinig kong tanong muli ng babae sa isa nanamang customer.
Pero hindi ko narinig na sumagot ang customer nito at basta na lamang nakiagaw ng karne na dadamputin ko sana.
"Akin ya—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng makita kong muli ang taong iniwasan ko kanina. "Sige.. sayo na." Usal ko sabay yuko at layo dito.
Mula sa manukan ay naglakad ako patungo sa mga baboy na karne upang kumuha ng karne roon pero muli ay inagawan nanaman ako ng pamilyar na kamay nito.
Muli ay nagparaya ako at bumalik sa mga manok! pero inagawan nanaman ako nito! kaya naman sa bakahan na ako pumunta! pero inagawan muli ako nito! at kahit saan pa akong pumunta para kumuha ng karne ay patuloy lamang ito sa ginagawang pang-aagaw nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...