Chapter 50

574 23 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV

Lunch palang ay sumilip na ako sa headquarters ng InfiniteBros para hindi na ako dumaan pa dito mamayang hapon. Pinagpapaliban ko nalang ang pananghalian mapagsabay lang ito at ang pag-aaral ko.

"Nawawala talaga siya!"

"Baka naman po nandiyan lang Captain Runa."

Nadatnan ko na nagkakagulo sa loob ng headquartes ng makarating ako doon sa wakas.

"Ano ba ang nawawala?" Narinig kong tanong ni Clint na kararating lang din tulad ko.

"Yung kuwintas na ibinigay saakin ni Dirk dati." Si Runa.

Kuwintas?

"Ano po ba ang itsura?" Tanong nila Clint.

"Mamahalin siya! walang katulad na iba! korting krus siya." Wika nito.

Namilog ang mga mata ko ng sabihin nito ang deskripsyon nun.

Binigyan din ito ni Dirk ng kuwintas?

"Osige po i-check nalang natin lahat ng mga maaring mapagtaguan ng kuwintas niyo.. Ms. Runa." Wika ni Clint.

Nagmamadaling umalis nalang muli ako dahil wala akong balak na tumulong sa paghahanap ng isang bagay lalo na kung pag-aari yun ng aking kaaway.

Afternoon class na at halos antok na antok na ang mga kaklase ko dahil nakakaantok ang subject namin ngayon na sinabayan pa ng nakakaantok na oras. Maging ako man ay napipikit-pikit narin.. saktong nakapikit na ako ay dumilat muli ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Sabay-sabay na lumingon kaming lahat doon para lamang magulat ako kung sino-sino ang mga nasa pinto.

"Yes?" Tanong ng prof namin.

Tumingin ng nakakamatay saakin si Runa.

"I believe na may mag nanakaw sa section na ito." Anito.

"Teka nga muna, Miss pinagbibintangan mo ba ang mga kaklase ko!?" Si Javu'n.

Pero hindi ito pinansin ni Runa at ang mga kasama nito na kasamahan ko din sa InfiniteBros! basta nag dire-diretso ang mga ito sa direksyon ko.

"Ikaw lang naman ang nag linis ng mga gamit natin last-last week right!?" Tanong nito.

Hindi agad ako nakasagot dahil bahagyang lutang ako ngayon.

"Oo.. ako nga ata yu—"

"Mag nanakaw ka!" Bintang nito.

Tumayo si Shara.

"Sobra naman ata yun!" Matapang na wika nito.

"Pwede ba Shara Qina na kapatid ni Shin Qina! manahimik kana lang diyan." Anito dito.

Tumingin muli ito saakin.

"Ms. Runa.. ano po ba ang problema?" Tanong ng prof namin na lumapit na saamin.

"Eto! eto po ang problema!" Anito at ipinakita sa prof namin ang isang video sa phone nito.

Ilang saglit pa at hindi makapaniwalang tinignan ako ng prof namin at ipinakita saakin ang nilalaman ng video ng makita nito na wala akong ideya kung ano yun.

Maging ako ay nagulat ng makita ko ang sarili ko na may kinukuhang krus na kuwintas sa mga nililinis kong gamit noon.

Ang krus na yun.....kamukha yun ng krus na ibinigay ni Dirk saakin.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon