Dallas Arthemis Columbus POV
Sa rooftop ng sariling building ng course nila Dirk ako nito dinala.
Ni-lock nito yun.
Ang building nang course nito ang pinakamataas at pinakamagandang building dahil ang course nito ang pinaka-priority ng university at ang pinakamahirap na course para sa isang Novalian na nilalang.
Mula sa rooftop ay inakyat pa ako nito sa mas mataas pa na bahagi ng rooftop. "Ihanda mo na ang mga yan." Utos nito.
Naiilang na isa-isa ko ulit kinuha sa backpack ko yung mga baunan na dala-dala ko at isa-isang binuksan ang mga yun para makakain na ito.
Grabe! bakla to the max! ilang na si ako! sabi ko na eh! bad idea ito! gaga talaga ako para isipin na tapatan si Karen...
Hindi Dallas! tama lang yan! aminin mo! sobra kang naiinis kay Karen kanina kaya pati ang pobreng si Dirk na sarap na sarap sa pagkakatulog ay nasipa mo ng dis-oras.
Unang kinuha nito ang chicken soup na ginawa ko para dito.
Nakangusong kinuha ko din yung akin!
I told yah guys! ayokong nagmumukhang timawa everytime na kumakain ang kasama ko! so nag luto ako ng tig-dalawa para one for him one for me.
"Masarap yung mga luto ni Karen.. bakit hindi yun ang pinili mo?" Tanong ko dito.
Pero sa totoo lang masaya ako na hindi yun ang pinili nito! pero ewan ko! gusto ko parin marinig ang sagot nito... Bakit nga ba?
"Bakit mo muna ako sinipa?" Nakangising tanong nito sa halip.
Para akong pinagpawisan tulad sa mga anime. "S- lalim ng tulog mo eh!" Inis na sagot ko na muntik pang mautal!
Nyeta!
Umiling nalang ito. "You know my favorite food very well, Mon Chérie." Parang gentleman na sagot nito.
"Ano?" Kunot noong tanong ko.
Pero hindi na ako nito sinagot at sa halip ay kumain nalang ito habang napapangisi na parang gago. At matapos naming kumain ay hinatid ko na ulit ito sa classroom nito.
"Dallas!" Tawag nito saakin.
Lumingon ako.
"Are you competing Karen for me?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...