Chapter 45

576 21 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV



Bitbit ang heels ko ay nakapayak na nililibot ko ang kabuuan ng malaking labyrinth garden ng citadel kung saan sinasabi ng mga guards na nag tungo si Dirk.


Bigla nalang kasi itong nawawala sa party. Na hindi ko na kailangan ipagtanong kung bakit dahil mukhang nahuhulaan ko na ang dahilan.


Hinawakan ko ang bawat dahon na madadaanan sa labyrinth at umaasa na malalaman ko kung nasaan si Dirk. Sinubukan kong hanapin ito gamit ang Zeus Eye subalit hindi ako nito hinahayaan na makita ko ito.


Nakarating na ako sa wakas sa pinakagitnang bahagi ngunit wala parin ito.. kaya naman nag patuloy ako sa paglalakad. Hindi ko kabisado ang labyrinth pero magaling akong lumutas ng mga bagay.


Natigilan ako ng mapangabot ako sa wakas sa dulo nito at makita ang napakagandang likod ni Dirk habang nakatayo at pinagmamasdan ang malawak na pond kung saan nag re-repleksyon ang malaking buwan ng Wolveroz.


Nananagarilyo ito habang tindig na tindig sa pagkakatayo nito.


"So?" Tanong nito na tila nahulaan nito na nakausap ko na ang ama ko.


"It went well." Pagsisinungaling na sagot ko.


Lumapit ako dito at yumakap sa matigas nitong likod! ang sarap talaga nitong yakap-yakapin at panggigilan! hindi ko talaga ito pagsasawaan kahit na kailan.


Isang yakap ko lang dito ay nawawala lahat ng sama ng loob ko.


"Good for you then." Wika nito.


"Anong nangyari?" Tanong ko dito na hindi inaalis ang pagkakayakap.



Hindi ito sumagot.


Bumitiw ako sa pagkakayakap dito at pumunta sa harapan nito sabay summon sa espada ko.


"Ano!? sparring nalang oh!" Hamon ko.


Ngumisi naman ito at pinitik ng malakas ang noo ko dahilan para masaktan ako!


"Grabe ka!" Inis na reklamo kuno ko.


Tinignan ko ito.


At katulad ko ay titig na titig din ito saakin.


"Anong lasa niyan, Dirk?" Tanong ko dito.


"Cigarette?" Tanong nito.


"Yep! lagi mo nalang ginagawa yan! pasalamat ka hindi tayo ordinaryong tao kung hindi natitiyak ko na may hingal kana sa sobrang adik mo diyan." Wika ko.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon