Hero Kawase POV
"Camera!?" Malakas na tanong ko.
"Rolling!" Sagot ni Javu'n.
"Mike!" Malakas na tanong ko muli.
"On!" Si Mikael.
"Para kayong mga gago! makita pa yan ni Dallas magalit pa yun! sinabi pa naman niya na ilihim ko!" Saway ni Shara saamin.
"Nandiyan na yung kontrabida!" Si Shaigano.
"Anong ginagawa mo dito bubwit? may klase ka sa elementary ah!?" Si Javu'n.
"Gusto ko din maki-join!" Inis na sagot nito.
Ngayon araw kasi sisimulan ni Karen at Dallas ang pagpapapansin kay Dirk! hindi ko alam kung bakit kailangan pa yun gawin ni Master D! mapatunayan lang na hindi ito lesbiana dahil sa paghalik sa mahloves ko pero masaya narin ako! after all I hit two birds in one stone! mantakin niyo yun!? una mawawala ito sa landas ng honeybebe ko! ikalawa matutupad na ang 'DirLas' dream ko.
"Alright here's the plan everyone! oras na mag start na sila ay palihim natin silang susundan at kukuhanan ang bawat eksena! alright!?" Tanong ko.
"Alright!" Sagot ng mga ito.
Pinagpatong-patong namin ang mga kamay namin na parang liga kami ng isang team! nakisali maskina ang lahat ng mga kaklase kong hindi kasama sa mission.
Umayos kami ng makita namin na si Karen ang naunang pumasok kaysa kay Dallas! ayos na ayos ito at may malaking kung ano na dala! na sa tingin ko ay baunan na punong-puno ng pagkain! after all yun ang paraan ng panliligaw dito sa Wolveroz! oo pagkain! hindi bulaklak o kung ano! specially kung lalaki ang liligawan! natural na pagkain ang ibinibigay.
"Masyadong ginalingan ni Karen." Bulong ni Mikael saakin.
"Wala na finish na!" Si Javu'n.
"Mag hintay kayo! malay niyo mas nakaayos si Dallas! di hamak na mas maganda naman yun kaysa kay Karen! paano pa kung mag make-up din! diba?" Sagot ko sa mga ito.
Sabay na umiling ang mga ito.
"We don't think so! yun pa! eh mas barako pa saating tatlo yun!" Si Mikael.
"Tigasin yun eh! pakiramdam ko lalake talaga yun na nakulong lang sa katawang babae!" Si Javu'n.
"Sabagay! yan din ang nasa-isip ko! pakiramdam ko nga ay type na type niya ang honeybebe ko!" Sangayon ko na din sa wakas.
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...