Chapter 51

551 25 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Natawa ako ng lumagpas si Leonard sa line at maka-shoot ako.


"Sinadya mo eh." Paratang ko dito.


"Hindi ah!" Mariing tanggi nito.


Natawa nalang ako at nailing dito.


Buhat ng mawala ako sa InfiniteBros ay bahagyang nagiging maayos na ulit ang takbo ng buhay ko. Syempre malayo na ako sa mga taong nagiging dahilan ng pasakit ko.


Mula din ng mawala na ako sa organisasyon na yun ay hindi ko na nakikita pa si Dirk.


Syempre! hindi naman parang magic ang lahat na sa isang iglap lang ay mawawala na lahat ng sakit na naranasan ko.


Pero ako kasi yung tipo ng tao na hindi mapagtanim at umaasang may pag-asa parin kahit malabo na talaga.


At kung iniisip ninyo na ginagawa kong panakip butas si Leonard ay nagkakamali kayo. 


Nilinaw ko naman sa isang ito na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay para dito.


Pumayag naman ito bagama't nananatili parin daw na umaasa ito na balang araw mayroong kami.


"Ayoko na! pagod na ako." Natatawang wika ko.


"Dallas!"


Mabilis na nilingon ko sila Hero na nasa pintuan ng gym! masamang-masama ang tingin ng mga ito kay Leonard na parang may ginagawang masama ang pobreng lalaki.


"Bakit ba?" Kunot noong tanong ko.


"May research pa tayo na tatapusin diba!?" Paalala nito.


Tinignan ko si Leonard.


Ngumiti ito ng alanganin.


"Sige na, Dallas." Wika nito. "Thank you din nga pala sa time mo." Pasasalamat nito.


"Walang anuman!" Nakangiting wika ko.


Yun lang at tumakbo na ako papunta sa mga tropapips kong kalalakihan na akala mo mga kapatid kong lalaki kung umasta para ibakuran ako ng ganun!


"Ikaw talaga Master D! minsan iniisip ko kung bobolang-bolang kalang ba talaga o manhid." Si Javu'n.


Kumunot ng malalim ang noo ko.


"Bakit mo naman naisip yan?" Tanong ko.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon