Chapter 28

727 33 20
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Inaantok na pinatay ko ang alarm-clock ko sa bedside table at pupungas-pungas na bumangon ako ng kama.... kailangan ko ng bumangon kahit tamad na tamad pa ako.


Ilang linggo narin ang nakakalipas buhat ng mag bakasyon! at masasabi kong Sunday lang ata talaga ang pahinga ko. Kaya buong Sunday instead na gumala ay mag hapon akong nakahilata sa bahay ko. Tapos gigising ako ng 2:30 ng hapon at mag lilinis, tapos babalik na ako sa bahay ni Dirk at mananatili nanaman ng anim na araw.


Dire-diretsong pumasok na ako sa sarili kong banyo dito sa kuwarto ko sa bahay ni Dirk... inayos ko na kasi kagabi pa yung mga damit na susuotin ko ngayong araw.


Matapos mag hubad ay dire-diretso ako sa shower... pero ilang segundo matapos kong pihitin pabukas yung shower ay walang tubig na bumabagsak! anak ng tokwa! inis na nag tapis ako ng tuwalya.


"Bakit walang tulo?" Kunot noong kausap ko sa sarili ko.


And then naalala ko kahapon na may deprensya nga pala ang koneksyon ng bahay sa tubig! nakalimutan kong ipaayos at sabihin kay Dirk! buti nalang at mahilig akong mag-imbak ng tubig sa likod na ginagamit ko na pang-suporta, malinis naman ang tubig at marami-rami din kaya titirhan ko nalang si Dirk.


Bitbit ang mga damit, shampoo at sabon ay dali-dali na lumabas ako sa kuwarto at bumaba mula sa itaas palabas ng likod ng bahay kung saan matatagpuan ang labahan.


Habang nakatapis lamang ng maliit na tuwalya! may isang oras pa ako bago magising si Dirk! kaya tiwala naman ako na hindi ako nito makikita.


Tumingin saakin si Buddy na aso ni Dirk kaya sumenyas ako dito na huwag itong maingay! buti nalang at nakisama naman ang chocolate doberman na aso.


Luminga-linga muna ako sa paligid at sumulok.. wala naman kapitbahay si Dirk at sobrang taas ng mga bakod so walang makakapanilip saakin.


Isa pa ay mayroon naman akong kurtina na ginawa kong panakip sa sarili ko kung sakali man na magising si Dirk so no problem parin si ako.


Dali-dali na tinanggal ko ang tuwalya na suot ko para makapaligo na! malamig ang tubig na sinabayan pa ng sobrang lamig na natural na klima ng bansa pero balewala yun saakin! I'm a Wulfric.


Masayang nag babanlaw na ako matapos kong mag shampoo! nang narinig kong tumahol si Buddy! pambihira talaga itong aso na ito! sinabi ng makisama na muna eh!


Inis na humarap ako sa kurtina para buksan yun at bawalan si Buddy ng maunahan na ako ng kung sino! isang napakagwapong demonyo ang ipinadala ng impyerno na nasa harapan ko ngayon.


May baril itong hawak na nakatutok saakin! habang matalim na matalim ang asul na asul at umiilaw na mga mata nito.


Ilang sandali kaming nag titigan! hanggang sa gumala ang paningin nito sa kabuuan ng hubad at basang-basa kong katawan na malaya nitong nakikita dahil hindi ko naman iyon tinatakpan.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon