Chapter 4

1.1K 35 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Karen!" Tawag ko muli.


Uwian na... dala-dala ko na ang bag nito... hindi ko kasi alam kung saan ito pumunta ng tumakbo ito kanina.


Pambihira!


Napaka matampuhin talaga nito!


"Karen!" Tawag ko muli.


Huminto na ako sa paglalakad.... ito na kasi ang dulo ng university... imposible naman na mapadpad si Karen sa abandonadong building na ito ng university malapit sa soccer field.


Hindi naman siguro nababaliw ang babaeng yun para pumunta sa ganitong abandonadong lugar lalo't di katulad ko ay matatakutin ang isang yun!


Huminga ako ng malalim.


"KAREN!" Malakas na sigaw ko.


Baka sakaling nandito ito... pero tulad ng inaasahan ko wala.


Kung ganun... guni-guni ko lang kaya ang sigaw na narinig ko kanina na boses ni Karen? pero paano kung si Karen talaga yun!?


"Karen!" Tawag ko muli.


Nilibot ko ang buong paligid ng abandonadong building.


Walang Karen akong nakita... ng hindi pa ako masiyahan ay sinubukan kong buksan yung pinto ng building... naka-lock yun mula sa labas kaya napaka imposible na may makapasok.


Namaywang ako at tinignan ang buong mataas na abandonadong building... nakakakilabot ang itsura nito.


Nag hanap ako ng posibleng way-in sa loob pero wala!


Kung ganoon... positive... wala si Karen... baka guni-guni ko lang yung sigaw nito kanina!


"Pambihira..." Buntong hiningang wika ko.


Kinuha ko na ang mga bag namin na saglit kong binitawan kanina at nilinga-linga muli ang paligid...


Bakit ganun?


Bakit parang feeling ko may mali?


Parang hindi lang ako ang nag-iisang tao dito?


May kumaluskos sa mga puno.


"Karen?" Tawag ko kay Karen.


Kunot noong lumapit ako palakad doon ng marahan...hindi dahil curious ako kung naroroon si Karen kundi dahil may dalawang asul na asul na tila umiilaw na kung ano akong nakikita na nakatingin saakin mula sa dilim.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon