Final Chapter

1.2K 43 19
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


Nakangiting bumaba ako sa bus na sinasakyan ko para makauwi.


Sa totoo lang two weeks outing naman talaga ang mayroon kaming dating mag kakaklase pero dahil hindi ko kayang malayo ng matagal kay Dirk?


Nag sinungaling ako dito na three days vacation lang ito para hindi na ako nito itulak na mag tagal pa.


Ayaw na ayaw kasi nito na ibinibigay ko lahat ng oras ko para dito dahil iniisip nito na nagiging sagabal ito sa mga kasiyahan ko.


Ang hindi nito alam.


Ito nalang ang siyang totoong kasiyahan ko.


"Mama!"


Mabilis na hinawakan ko ang braso ng bata ng muntikan na itong madapa.


"Oh ingat!" Agapay ko dito.


Tumingin ito saakin at marahan na yumuko at nahihiyang ngumiti sabay takbo palayo.


Naiiling nalang ako habang nakangiti.


4:00 p.m pa ang usapan namin ni Dirk na oras kung kailan ako nito susunduin.


May kinse minutos pa bago ito dumating.


Sinadya ko na umuwi ng mas maaga para ako ang mag-aabang dito.


Grabe!


Three days palang ang nakakalipas buhat ng mahiwalay ako sa mokong na yun pero miss na miss ko na agad ito.


Tinignan ko ang phone ko para i-check kung may message na ba ito.


Pero wala parin pala.


Nag paalam ito saakin kagabi na may huling misyon pa itong gagawin sa InfiniteBros.


Nung una ayoko na sanang payagan ito kaso mapilit ito at sinabing siya daw ang pinakamalakas at walang kahit na sino ang maaring makatalo o makapanakit dito.


Sa totoo lang........


Wala akong ideya kung ano ang huling misyon na ipagagawa dito.


Nakakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko subalit malaki naman ang tiwala ko na magagawa nito ng maayos yun.


Ito pa!


Walang imposible sa hari ng mga demonyo na asawa ko.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon