Chapter 26

675 28 0
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Hmmm.. tamtaramramamamam.." Mahinang kanta ko.


Kasalukuyan akong nag lilinis ngayon ng bahay.. mabuti nalang at bahagyang nabawi naman ng tulog ko ang lahat ng pagod na mayroon ako kahapon! at least bukas pag pasok ko ay mukhang hindi na ako kasing latang gulay tulad ngayon.


"We have to plan it very carefully then." Si Igor.


Natigilan ako ng marinig ko ang boses nito mula sa sariling study office ni Dirk sa bahay nito. Hindi ko namalayan na may iba palang tao ngayon dito?


"How can we demolish that old building if nakabantay lagi si Sandors?" Boses ni Gladys.


"I think we can't demolish that building until sure na tayo na okay na ang lahat." Si Rux.


Mahabang katahimikan..


"Dirk?" Tawag ni Gladys kay Dirk.


"Nakausap niyo na ba ang iba pa?" Si Dirk.


"Yes we already did.. ikaw nalang ang inaantay namin, Dirk." Si Igor.


"Dirk! ano ba! focus!." Si Rux.


Mahabang katahimikan............


Bahagya pa akong napalundag ng bumukas ang pinto sa study office ni Dirk at lumabas ito mula roon! nagkatitigan kaming dalawa... halata na hindi din nito inaasahan na makikita ako nito dito pero tinalikuran lang ako nito.


Lumabas din ang mga kaibigan nito na nagulat din ng makita ako.


"Dallas." Si Gladys.


"Ano-- naglilinis lang ako! wala akong narinig don't worry." Pagsisinungaling ko.


Sabay simpleng nag walis-walis na parang gago.


"Bahala kana kay Dirk! Dallas." Ani ni Rux.


"Ah sa tingin ko mag kukulong lang yun sa loob ng kuwarto niya katulad ng dating gawi." Kibit-balikat na sagot ko.


"Kung ano man ang narinig mo, wag mo na sanang alamin kung ano yun hanggang maari." Si Igor.


"Bakit ko naman aalamin, hindi naman ako tsismosa." Nakaingos na sagot ko.


Nakapalobo ang pisngi na pumasok ako sa loob ng bahay matapos kong ihatid sila Gladys paalis.. pero agad na nilunok ko yung hangin ng makita ko si Dirk sa kusina na umiinom ng alak sa mamahalin nitong baso habang nakatingin saakin ng masama.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon