Wedding Anniversary Credits

1.3K 45 60
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Nakangiting sinalang ko ang plaka sa turntable.


(Music Playing: Exit Music  (For a film) – Radiohead)


Suot ang magarang pulang bestida ay may malawak na ngiti kong nilingon si Dirk na prenteng-prente lamang na nakaupo sa isang sulok habang may nakakaloko nanamang ngisi sa mga labi.


Marahan akong sumayaw-sayaw palapit dito na para akong sira ulo.


Kanina ko pa kasi gustong mag sayaw kaso ayaw naman nitong sumama sa trip ko.


Napakagwapo nito sa suot nitong full black attire as usual.


"You can't seduce me to dance, Mrs. Salvatorie." Malokong wika nito.


"Let's see then, Mr. Salvatorie." Nakangiting wika ko.


Sa wakas nakalapit na ako dito.


Hinawakan ko ang balikat nito habang nananatili parin itong nakaupo at titig na titig saakin.


Marahan akong gumiling pababa na parang inaakit ko ito.


Ngumiti ito.


"Is that a proper way on how to treat your husband?" Tanong nito pagkuwan.


Natawa na ako kasi di ko na kayang ipagpatuloy pa yung ala puta kong sayaw.


Natawa din ito.


At sa gulat ko mabilis na tumayo ito at hinapit ako sabay taas sa kanang kamay ko at salikop nun sa kamay nito.


Marahang umusad ito pasulong habang marahan ding gumigiling kaya awtomatikong napasunod ako sa galaw nito.


Ramdam na ramdam ko ang katawan nito.


"I never expected you can dance sway perfectly." Puri ko dito.


"Now you know." Bulong nito sa tainga ko.


Natawa ako.


"I miss you, Dirk." Bulong ko dito.


"I know." Sagot nito.


"Let's go home?" Tanong ko dito.


Kahit nanga ba alam ko naman na nasa bahay kami dito sa Crystalizae.


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon