Chapter 16

784 34 5
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV



"Tama na! baka maging dambuhala kana!" Saway ni Shara saakin.


"Kaya ko pa!" Sagot ko.



Sabay sunod sunod na subo sa crepe na binili ko.



Libre ito saakin nila Hero at Shara! yun ay para sa pang-iiwan saakin ng mga ito buong mag hapon! tuloy ay kung saan-saan ako nag tago! makalayo lang sa mga kutong lupang tagahanga ko.



"Master D.. parang nagiging black yung buhok mo." Puna ni Hero.



"Ha!? talaga!?" Natigilan ako.



"Black hair naman kasi talaga si Ate Dallas." Saba't ni Shaigano na mukhang nakabawi na sa shock matapos itong dumugin at halos magahasa na ng mga kababaihan.



"Hah!? akala ko natural brown hair ka!" Gulat na usal ni Hero.



"Ako man nga eh!" Sangayon ni Shara.



Hinawakan ko ang buhok ko.



"Black haired talaga si Ate Dallas.. namana niya yun sa mga Wulfric." Paliwanag ni Shaigano.



"Black haired din naman ang mga Salvatorie ah!?" Sabat ko.



Pati nga sa mother side ko eh.



"Oo nga... pero may ibang kulay ng buhok parin ang lumilitaw sakanila.. unlike sa mga Wulfric na puro dark haired talaga." Anito.



Hindi ko na ito pinansin.



Wala akong pakialam sa kulay ng mga buhok ng mga angkan!



"Kukulayan ko nalang yan bukas." Kibit balikat na wika ko sabay kain ulit.



"Mukhang mas bagay sayo yung dark haired." Komento ni Shara.



The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon