Chapter 11

759 28 2
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


Nakahalukipkip ako habang nakatayo at pinagmamasdan ang natutulog na si Hero.


Sarap na sarap ang gago sa pag tulog na akala mo ay walang masamang nangyari sa girlfriend at kaibigan nito.


Sa inis ko tuloy ay isang malakas na sipa sa puwitan nito na nakaharap saakin ang ibinigay ko para dito sabay sabing...


"Hoy! ungas! gising!" Utos ko.


Agad naman nagising ito na parang tanga dahil sumuntok-suntok pa ito sa hangin na akala mo may kalaban! pulang-pula din ang mata nito na halatang naudlot ang tulog.


Buti nalang at nakaiwas ako kung hindi ay another suntok ang matatanggap ko.


Ilang sandali pa ay mukhang nahimasmasan na ito.


"Master D! gising kana!" Masayang wika nito.


"Hindi tulog pa." Pilosopong sagot ko.


Umupo ito at kumurap-kurap.. kawawa naman mukhang puyat na puyat.


"Bakit nandito ka? okay naba si Shara?" Tanong ko.


Nakaramdam ako ng labis na pag-aalala para sa kaibigan ko.


"Kasama naman niya sila tita." Wika nito.


Tumango-tango ako.


Pero deep inside kumirot nanaman ang puso ko.


Mukhang nahuhulaan ko na kasi kung bakit ito nandito.. malamang ay walang pumunta na kahit sino saakin para mag bantay o kahit sumilip man lang.


Kung nandito lang sana si Karen.


Or si Shaigano na pinuntahan si Karen sa bansa nito.


Malamang hindi na kailangan hatiin ni Hero ang atensyon niya saamin ng kasintahan nito.


"Nasaan yung mga iba nating kaklase?" Tanong ko nalang.


"Umuwi na sila eh.. alam mo naman ang mga yun... superhero ang tingin sayo na hindi na kailangang bantayan." Wika nito.


Halatang iniiwas nito ang topic sa pamilya ko.


"Ahh..." Wika ko nalang. "Samahan mo ako kay Shara... gusto ko siyang makita." Utos ko nalang.


"Tulog pa siya eh... tatawag naman saakin sila tita kapag okay na siya.. isa pa kailangan mo pa mag pahinga." Anito.


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon