Chapter 32

644 28 2
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


"Master Diiiiiiii!" Masayang salubong saakin ni Jayson.


Nakangiting sinalubong ko naman ito ng yakap.


"Anong ginagawa ng section mo dito sa soccer field?" Tanong nito.


"P.E namin eh... soccer ang topic so nandito kami." Sagot ko dito.


"Umh... eh bakit nga pala hindi kana pumupunta dito?" Kunot noong tanong nito.


Nagkibit ako ng balikat dahil alam ko naman na alam nito ang sagot.


"Ay! oo nga pala... hindi kana nag wo-work kay Captain Dirk." Malungkot na sagot nito para sa sarili nito.


Halos lahat ng soccer player ay binati ako, napalapit din kasi ako sa mga ito at ganito din ang mga ito saakin.


Iginiya ko ang paningin ko! tuwang-tuwa na naglalaro na sila Hero sa field kahit wala pang instruction. Mali-mali naman ang ginagawa.. basketball player ito at hindi soccer player.


Natawa ako nang masubsob si Mikael at nauna ang malapad nitong noo habang nakahawak naman si Javu'n sa hita nito! ramble nanaman ang mga gago! inawat na ang mga ito ng mga kaklase namin.


Sa sobrang laki ng soccer field na pang national na ay para lang kaming langgam.. naiiling nalang ako.


"Sige! Master D! dun na muna ako!" Paalam ni Jayson saakin.


"Sure!" Paalam ko din dito.


At muling iginala ang paningin at nananalangin na sana ay wala dito ang aking hinahanap! natigilan ako nang sa wakas masuyod ko na ang kabuuan ng soccer field.


Mula sa isang sulok nakita ko ang professor namin na kausap si Coach Allan na siyang coach ng soccer team.


Pero hindi sa mga ito pinaka na-sentro ang atensyon ko, at syempre alam niyo na kung kanino.


Nakatalikod ito saakin mula sa malayo habang nakikinig sa usapan ng coach nito at ng professor namin.


Naka pang-practice lamang ito, white shorts and black shirt... nasisigurado ko na pag oras na humarap ito ay lalaking-lalaki ang itsura nito.. at napakagwapo nanaman nitong titigan like the old days.


Isa siguro ito sa mag tuturo saamin kung paano mag laro ng soccer.. after all mula pa lamang noong bata ito at mag simulang mag laro ng soccer ay itinuturing na itong pinakamagaling sa lahat sa larangan ng sports na ito.


Luminga-linga ang professor namin, ganun din si Coach Allan.. hanggang sa matuon ang pansin ng mga ito saakin at ituro ako.


"DALLAS! HALIKA DITO!" Tawag saakin ng professor ko.


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon