Dallas Arthemis Columbus POV
Halos dalawang araw na akong wala sa sarili sa kakaisip kung ano ang nangyayari sa mundo. Hindi ko masabi na asawa ko na si Dirk kila Shara dahil traditionally bawal may makaalam nun! maskina nga ako ay bawal malaman yun pero siraulo si Dirk at sinabi saakin ang bagay na yun fourteen years prior.
Sa ngayon.. sa bahay kung saan kami nakatira dati ako tumutuloy kasama nito. Bagama't alam ko na mag-asawa na kami ay wala naman nabago sa pagsasama namin noon sa ngayon... yun nga lang.. ilang to the max na ako dito!
"Dallas! ano kamusta kayo ni Dirk?" Nakangiting tanong ni Shara.
Alam kasi ng mga ito na bumalik na ulit ako bilang yaya ni Dirk.. hindi nila alam more than atsay pa ang tunay na relasyon namin ng gago na yun! "Okay lang." Cool na sagot ko kunwari.
Pero teka! kung totoo man na asawa ko na ito since last new year... ibig sabihin ay... ITO ANG MANLOLOKO!
OO TAMA!
ITO NGA!
Biruin niyo asawa ko na pala siya nung kasama niya si Arianne!? Si Cipher na lagi niyang tinatagpo!? at yung kaliwa't kanan na babae niyang nababalitaan kong kasama niya lagi!? yung ginawa niyang pagtingin sa ibang babae!? gagong yun!? tulak ng bibig kabig ng dibdib!? saakin pa ibinibintang na unfaithful ako gayong siya naman itong ganoon!?
"Shara." Pigil ang tiim-bagang na tanong ko. "Madami parin bang babae si Dirk?" Tanong ko.
"Ha? oo!? kilala siyang Casanova eh?" Sagot nito.
"By any chances! huminto ba siya sa pambababae niya since last new year!?" Pigil ang gigil na tanong ko.
"Hmmm... hindi! kaliwa't kanan parin ang babaeng kasama niya eh? and take note! lahat yun naikakama niya! babaero talaga yun eh! pero wag kang mag-alala! babae lang naman niya ang mga yu---"
Hindi na nito naituloy ang sinasabi nito ng tumayo ako at malakas na hinampas ang lamesa ko ng dalawang kamay ko. "Totoo ba ang mga balita na yan!?" Gigil na tanong ko na sa wakas.
Nakangangang napatango nalang ito dala marahil ng takot at pagkalito kung bakit ganito ang inaakto ko! parang lalake na itinaas ko ang isang paa ko sa lamesa ko at nilapit ang mukha dito. "Rate from one to ten! gaano ka-authentic yang balita na yan!?" Tanong ko ulit.
"Ten..." Kunot noong sagot nito.
Tinignan ko ang mga mata nito! totoong nag sasabi ito ng totoo! at para mas ma-sure pa yun ay hinawakan ko ang palad nito! and voila! totoo ang sinasabi nito! inis na binitawan ko ang mga palad nito at may mabibigat na hakbang na umalis at nag tungo sa college building kung saan matatagpuan ang classroom ng talipandas kong asawa.
BINABASA MO ANG
The Devils King
RandomDallas had to do everything to keep her friends away from Prince Dirk Izunia Salvatorie. Hindi na siya makapapayag na maulit ang insidenteng nangyari sakanya at sa mga kaibigan niya mula sa mapanganib na mga kamay nito. He was womanizer, chauvinisti...