Chapter 1

3.3K 81 0
                                    

Dallas Arthemis Columbus POV


Huminga na muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng bahay.


"Nandito na po ako..." Masayang bati ko.


Tinanggal ko ang suot kong sapatos at nagpatuloy sa pag pasok.


"Zella! bakit hindi mo man lang sinabi na hindi ka pala sasabay saakin umuwi!? edi sana hindi na ako nag pagabi!" Wika ko.


Inipit ko ang buhok ko at nag hugas ng kamay.


"Sorry po Mommy at na-late ako ng uwi! ang dami po kasing customer kanina! sayang naman po kung iiwanan ko... dagdag kita din kasi yun." Wika ko parin.


Nag lagay ako ng limang plato sa lamesa.


At nilabas ko yung mga pagkaing binili ko.


"Buti naman nakauwi kana Papa! ang akala ko mag i-stay ka sa trabaho mo? at least sabay-sabay tayo kakain ngayon!" Masigla parin na wika ko.


Tumingala ako sa hagdanan papunta sa itaas.


"MISHII! KAKAIN NA!" Sigaw ko.


At ilang saglit pa ay....


"Kakain na tayo!" Masiglang anunsyo ko.


Masayang kinuha ko ang parte ko! at masigla akong kumain! Graduation Day ko ngayon!


"Sa susunod po na school year ay Senior High na ako! balak ko po sanang mag transfer ng school.. sa Crystalizae po sana... doon mahahasa ang kakayahan ko sa mahika! dun daw po talaga pumapasok ang mga hindi pangkaraniwang tao katulad ko." Masayang pagmamalaki ko.


Nag patuloy ako sa pag-subo.


Hanggang sa... tumigil din ako.


Yumuko ako at hindi ko namamalayan... sunod-sunod na pala ang patak ng luha ko.


Tumunog ang intercom eng telepono.


"Lady Dallas... si Maestro Nurkos ito.. nakarating na sa palasyo na naka-graduate kana. Pinaparating sayo ng His Royal Majesty ang pabati niya.. ganun din ang mga prinsipe."


Yun lang ang tumigil na ang mensahe.


Ngumiti lang ako ng pagak!


"Sino bang niloko mo... wala naman pakialam saakin ang tunay kong ama at ina o ang tunay kong mga kapatid.." Wika ko.


Tumayo na ako para ligpitin ang mga pinagkainan namin.


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon