Chapter 23

688 27 0
                                    



Dirk Izunia Salvatorie POV


Marahang binuga ko ang usok ng hinithit kong sigarilyo habang nakasandal sa pasilyo malapit sa hagdanan ng 3rd floor sa building ng senior high kung saan inaabangan kong dumaan ang isang tao na mukhang kailangan ko nanga atang makausap para manahimik na.


Napangisi na lamang ako ng maka-ilang babae na ang sa tuwing napapadaan ay hindi maaring hindi mag bulungan o lihim na mag-kiligan sa tuwing mapapatingin saakin.


May ilan naman na hindi na nakakapagpigil pa at lumalapit na para magpapansin... at sino ba naman ako para tumanggi gayong palay na ang lumalapit sa manok.


Patuloy ako sa ginagawa kong paghithit buga sa sigarilyo ko ng mapatingin ako sa maganda malaman na babae na bumababa mula 4th floor habang masayang-masaya na lumulundag-lundag ito na parang bata habang naglalakad at kumakanta.


~" I love you..... you love me.... you fucking idiot dinosaur in violet costume gay.. kissing my beybi.... oh no..no...no stay away you frocking gay!!!" 


Pang-gagago nito sa kanta ni Barney.


Sa sobrang saya nito sa pagkanta nito ay mukhang hindi ako napansin nito at dire-diretso itong naglakad palagpas saakin.


"Masaya ka niyan?" Tanong ko dito bago pa ito tuluyang makalagpas saakin.


Halos matisod ito ng mag salita ako.


Lihim tuloy akong napangiti ng mukhang hindi nito napansin na sa pagkakatisod nito ay bahagyang lumipad ang maikling palda nito dahilan para makita ko ang pang-ilalim nito.


Mabilis na lumingon ito saakin na halatang napahiya dahil nakita kong natisod ito o baka dahil narinig ko ang gagong kanta nito.


Madali kong nabasa ang tumatakbo sa isip nito, tulad ng iniisip ko ay mukhang napahiya nga ito sa katangahan nito.


"Dirk! anong ginagawa mo dito sa building namin!? tyaka bakit nananagarilyo ka dito!? bawal yan dito!" Maangas kunwari na saway nito saakin matakpan lang ang kahihiyan.


Tinitigan ko lang ito at nagpatuloy.. bahagya namang napaatras ito.


"May i-uutos kaba?" Tanong nito na bahagyang itinikwas ang ulo. "Bakit hindi mo nalang ako tinawagan or nag-txt kana lang sana?" Tanong muli nito.


Luminga-linga ako sa paligid at ng wala akong makitang basurahan na nagkalat ay sa malalaking bintana sa hallway ko nalang yun ibinato.


"Bakit natatakot kaba na baka may gawin ako sa mga kaibigan mo?" Ngising tanong ko dito.


Sa totoo lang.. nag e-enjoy akong panoorin ito sa tuwing binabantaan ko ito sa mga bagay na alam kong matatakot ito.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon