Chapter 24

737 32 2
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Pagod na pagod ako habang buwat-buhat ang malaking cooler na nag lalaman ng mga inuminan ng mga soccer players! galing diba!? from yaya ng isa ay naging yaya ako ng malaking miyembro ng soccer team ng university namin.


Inis na ibinagsak ko yun sa gate ng soccer field! papahinga na muna ako saglit! sobrang bigat kasi eh! hindi ko na ata kayang buhatin! grabe! kung pwede lang gamitan na ng magic eh ginawa ko na! kaso mahigpit na ipinagbabawal ng university na basta-basta nalang gumamit ng magic para sa sariling pangkapakanan.


Hindi ko maiwasan ang hindi manggigil ng sobra! lalo't ang lakas makasira nito ng macho image! syempre madaming nakakita saakin kanina na nag bubuhat ako ng malaking cooler! isipin niyo yun!? ang kilabot ng senior high na si Dallas ay atsay nalang!? fuck diba ang saya-saya!?


Kung di lang dahil sa pera!


"Tulungan na kita."


Habol parin ang hininga na tinapunan ko lang ng tingin ang isang lalake na hindi naman ganun ka-gwapuhan pero may dating naman.


"Riko nga pala." Pakilala nito.


Hindi ko gusto ang klase ng pagkakatitig nito saakin ngayon! tingin palang nito ay wala na itong pinagka-iba sa mga lalaking binugbog ko noon dahil sa pagiging manyakis.


"Huwag na! kaya ko naman." Tanggi ko at muling binuhat yung cooler.


Naramdaman ko ang paghawak nito sa baywang ko! kaya naman natigilan ako at napatiim-bagang.


"Kung ayaw mo na matulad ka sa mga pinatikman ko noon ng galit ko... alisin mo yang madudumi mong kamay sa baywang ko." Banta ko dito.


Naramdaman ko na inalis naman nito yun! inis na binuhat ko na ang cooler kahit sobrang bigat pa noon at halos di ko na makaya.


Ilang beses ko na itong nakikita mula ng mag-work ako kay Dirk! sa tuwing pupunta ako sa soccer field para pagsilbihan si Dirk ay laging nakatingin ito saakin at ang ilan pa sa mga miyembro ni Dirk.


Lalaki parin ang mga ito.. at magandang babae parin ako! so kahit gaano pa nakakatakot ang background ko ay mas nagpapa-excite yun sa mga ito.


Kung ako lang! ayokong lumapit sa mga manok! pero wala akong choice dahil parte ito ng trabaho ko! kaya ko din naman ipagtanggol ang sarili ko kung magkataon.


"AYOKO NA!" Malakas na reklamo ko ng sa wakas ay makalapit na ako kay Dirk at sa grupo nito.


Nag presinta ang mga kaibigan nito na tulungan ako pero agad ko yung tinanggihan dahil kay Dirk! wala talagang puso ang gago na ito! hindi nga siguro ito ang may gawa nun kay Shara at Karen pero sa tingin ko demonyo parin ito.


Inis na nilayasan ko nalang ito at ang grupo nito para mamigay ng mga mineral sa mga ka-miyembro nito.

The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon