Chapter 22

708 23 0
                                    


Dallas Arthemis Columbus POV


Malawak na napangisi ako.


Matikas na nakatayo ako habang nakahalukipkip ang mga braso ko.


"Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo?" Maangas na tanong ko.


"An- ang sabi ko.. you're nothing but just like any other whore." Nahihirapang sagot ng schoolmate ko na lalaki.


Nakangising inapakan ko muli ang dibdib nito gamit ang kanang paa ko sabay suklay sa buhok ko mula sa noo pabalik sa likod gamit ang mga darili ko.


Matapos nun ay marahas na pinisil ko ang ilong ko sabay tingin dito ng nakakamatay.


Pinanglakihan ko pa ito ng mata matapos kong haltakin ang kuwelyo nito para maitayo ito mula sa pagkakasalampak nito sa semento.


Paano siya humantong sa ganitong eksena?


Well papasok na kasi ako kaninang umaga! sobrang init ng ulo ko dahil hindi ako nakakain ng agahan matapos akong utusan ng amo ko ng kung ano-ano! so na-late ako ng pasok.


Halos malapit na ang recess ng makapasok na ako sa wakas! sa shortcut malapit sa soccer field na ako dumaan para sana mas mapadali ako.. kaso humarang naman ang mga ito sa dinaraanan ko.


At dahil hindi naman madalas madaanan ang lugar na ito ay madali akong na-corner ng mga ito.


Kung ano anong pang-iinsulto ang ginawa ng mga ito saakin nung sinubukan kong huwag sanang patulan ang mga ito.. specially may banta na saakin si Headmaster na isa pa at sisipain na ako sa university na ito.


Pero matapos kong marinig na tinawag akong putang bastarda ng mga ito.. na kesyo mas maganda lang naman daw ako sa mga puta ng ilang ligo dahil hindi pa daw ako nadidiligan! na oras daw na ipasok nila ang madumi nilang cock sa mainit kong kuweba ay baka daw maulol ako.


Pero hindi yun ang totally nagpainit sa ulo ko! mas kinainit ng ulo ko ang sinabi nito na gaano daw kaya kasarap ang nanay ko para gahasain ng tatay ko!?


Dahil sa sinabi nitong yun ay parang bulkan na sumabog na ako! isa laban sa labing-lima ang naging sistema!


Aaminin kong nahirapan ako dahil magagaling din ang mga ungas na ito! pero gumamit na ako ng ilang techniques na matagal ko naring naitago.


At ngayon nga ay ang leader nalang nila ang natitirang may ulirat pa.


"Again!?" Tanong ko dito habang pinanglalakihan ito ng mata.


Habang hawak ko ang kuwelyo nito ay mariing piniga ko ang itlog nito! dahilan para mapasigaw ito!


"Binabawi ko na! binabawi ko na!" Halos manigas sa sakit na wika nito.


The Devils KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon