ISANG ARAW

344 53 33
                                    

Bumangon ako mula sa pagkakalugmok sa higaan
Mugto ang mga mata at nakatingin sa kawalan
Hindi mawari kung ano ang tunay na nararamdaman
Galit, dismaya o labis na kalungkutan

Bawat araw na dumaraan ay pare-parehas ang nagaganap
Kailan makakamit ang sagot na hinahanap
Marahil ay nag-kulang nga sa pag-sisikap
Hindi maika-iilang kapalara’y sadyang kay ilap

Pakiramdam ay laging napaka bigat
Sa tuwina’y iniisip, araw ay kaylan sisikat?
Ano ang dapat gawin sa masamang pakiramdam na pilit kumakapit
Sa kalooban kong umaapaw na sa sakit

Mahigit isang taon na ang nakararaan
Ngunit narito pa rin at hindi ma-solusyonan
Suliraning kay tagal nang pinag-daraanan
Tila isang bangungot na ayaw akong tigilan

Pinag-daraanan ko’y hindi naiintindihan ng karamihan
Ipaliwanag man ito ng marahan o mabilisan
Panghuhusga ang tanging natatanggap kadalasan
Kaya narito ako sa sitwasyong hindi ko matakasan

Batid ko sa aking sarili na ako’y nagpaka-buti
Hindi nag-bisyo at nag-walwal lang sa tabi-tabi
Subalit ano itong nangyayari?
Mga may kapangyariha’y tila walang paki

Aking kasalanan kung ano ang kinasasadlakan
Ngunit hindi pa ba sapat ang mga ginawang paraan?
Kailan matatanggap ang hinihintay na katarungan
Kung sa una pa lamang ay sadyang may kinikilingan

Gabi-gabi’y iniinda
Itong ‘di maipaliwanag na nadarama
Minsa’y tila sasabog na at hindi na kaya
Ngunit kailangang pigilan at walang dapat makakita

Ang pakita sa ibang tao’y ako’y mabuti
Sapagkat ipakita mong hindi ay walang makakaintindi
Akala nila’y ako’y malakas at natatangi
Ang hindi nila alam ako’y nasa rurok ng pagka-sawi

Mabigat na dalahi’y minsan naiibsan
Maraming salamat sa aking mga kaibigan
Hindi man nila alam ang aking pinag-daraanan
Ang mahalaga’y sila’y laging nariyan

Sa mga taong hanggang ngayo’y nag-papahirap sa marami
Nawa’y hindi niyo maranasan ang hirap na inyong sinasanhi
Tandaan ninyong ang kapalaran ay may sariling paraan ng pag-ganti
Walang nakakaalam kung kailan at saan ito mangyayari

Balde-baldeng luha ang sa unan ko’y pumatak
Kapalarang nais kaylan muling matatahak
Pangarap na matayog ay nabalian na ng pakpak
At sa tagal ng panaho’y tuluyan nang nawasak

Magulang ko’y tiyak na madidismaya
Sa anak na akala nila’y maayos at may kwenta
Pag-hihirap at pag-sasakripisyo’y nabalewala
Mukha ko ba’y kaya ko pang i-harap sa kanila?

Sa pagkakataong ito ang takot at sakit ay labis
Dumagdag pa ang galit at pag-hihinagpis
Mga pangarap kong tila inihagis
Nag-dudulot sa akin ng labis na pag-tangis

Pilit mang i-waksi at kalimutan
Ngunit ‘di lang puso ang hindi kayang turuan
Maging ang isip ay kaya kang pag-laruan
Walang tinig ngunit nakikipag sigawan

Mga gabi ay tila walang hanggan
Walang pag-lagyan sa higaan
‘Di mapakali at ‘di makatulog ng tuluyan
Parang awa niyo na sigaw ng aking isipan

Pag-hihirap ay nais nang ma-waksan
Subalit wala namang nakikinig kahit pag-susumamo’y laksan
Ano ang magiging laban kung ang pakiramdam ay walang makapitan
Dito sa mundong ni minsa’y hindi naging patas lalo na sa walang kakayahan

Isang araw paligid ko’y dumilim
Kilos at galaw ko’y ‘di na kayang ilihim
Blangko ang isip at tuluyan nang naging sakim
Walang hanggang sakit sa nagmamalasakit ay ipinatikim

***WAKAS***

Likhang Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon