Isip ay gulung-gulo at ‘di magkandatuto
Kahit anong pilit na huminahon ay nalilito
Nais kumilos subalit hindi makakibo
Ano ito’t pakiramadam ay gumuguhoNagpupumiglas ngunit patuloy na tinatalo at nilalamon
Sumisigaw ng tulong subalit lalo lamang nababaon
Sa halo-halong emosyon at suliraning matagal nang naipon
Paano ba makakatakas at saan na paroroon?Kahit saan tumingin ay may nag-aabang
Mga bagay at kaisipang kinatatakutan at nagdudulot ng pagkahibang
Sa mga oras na ito’y hiling sana ay may tumabang
Pagkat matagal na nitong nasira ang pagkatao at tapangHindi mapakali ang isip at lubhang pinagpapawisan
Parang nais na lang sumuko at pumalahaw
Lakas ng loob ay nauupos na’t ayaw nang lumaban
Pagkat kahit saang direksyon ay walang pag-asang natatanawBaling dito, baling doon
Maya-maya’y bigla na lamang napabangon at napatalon
Nang idilat ang mata’y napagtantong nasa pamilyar na kahon
Naulit na naman ang ganitong sitwasyon sa ‘di mabilang na pagkakataonSa pagtulog ay humahadlang at tumututol
Kung anu-anong kaisipan ang pilit na idinuduldol
‘Di pa nakuntento’t hanggang sa panaginip ay humahabol
Tanging oras na sana’y payapa, ‘di pinatawad at lalong binuhol***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...