RUROK

203 41 20
                                    


Dibdib ay parang pinukpok
‘Di malaman kung saang sulok
Bigla na lamang bumilis ang pag-tibok
Ng pusong puno ng pag-subok

Nanood ng mga palabas na pampasaya
Lumabas, namasyal at namili pa
Ngunit bugso ng nararamdama’y hindi nadala
Kung kaya umuwi at nag-kulong mag-isa

Walang nakakakita at tahimik ang paligid
Naupo sa sulok hindi rin alam kung bakit
Nararamdama’y pilit na itinatawid
Subalit pag-hinga’y lalong humihigpit

Isip ay pilit na nakikipag-talo
Tahimik ngunit parang nagsasabong sa gulo
Hindi mawari kung may dulo
Mga kaisipang pumapasok sa ulo

Nararamdama’y lalong lumalakas
Natatakot dahil baka hindi makaligtas
Sa sitwasyong puro na lang malas
Hiling sana ay makatakas

Rurok ay dumating
‘Di na napigil at tuluyan nang humalinghing
Pag-tangis mayroon nga bang mararating
Maililigtas ba nito ang taong dumadaing?


***WAKAS***

Likhang Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon