Sa mundo, ang tao ay iba’t iba
Depende kung paano pa ito makikita
Libo-libo ang maaaring makilala
Sa panahong ipahihintulot na itagal dito sa lupaIsang tao ang nakilala noon
Nakakailang sa maraming pagkakataon
Iniisip kung ugnayan ba’y magkakaroon
Paano’y hindi nag-uusap o kahit isang lingonDumaan ang mga araw
Relasyon ay ‘di gumagalaw
Wala ring hinaharap na natatanaw
Kaya ilusyon ay hinayaan na lang matunawNgunit isang araw mata ay nag-tagpo
Sandaling natigilan at ginagawa’y inihinto
Kalooba’y tila nagkasundo
Nag-kuwentuhan at nag-tawanan ng walang hintoKalooba’y nagkapalagayan
‘Di naglao’y naging magkaibigan
Sarili’y binuksan at unti-unti ay nasilayan
Tunay na kulay at katotohanan sa pinanggalinganItsura’y matapang at malakas
Sinong mag-aakalang siya ay may nilulutas
Suliraning mabigat at umaawas
Tunay na siya’y matatag at matikasSa pagnanais na siya ay tulungan
Maraming paraan ang sinubukan
Upang hindi akalain at maramdaman
Na siya ay kinakaawaanNagsimula sa maliliit at simpleng bagay
Nakakagaan ng loob at nakakatuwang tunay
Minsan tuloy napapatanong at napapaisip
Hindi lang pala talaga ito nangyayari sa panaginipMay mga taong nag-pupurisigi at nag-sisikap
Ngunit bakit sila pa itong nababaon sa hirap?
Ganito na lang ba talaga ang mundo, panay irap?
Darating pa kaya ang oras na pag-asa sa nangangailangan ay haharap?Ang daigidig ay puno ng karahasan
Kung mahina'y tiyak na mabibilang sa laylayan
Kaya kalooban at sarili ay tatagan
Upang pagsubok na dumarating ay malampasan***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoesiaKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...