Bawat araw na pinagdaraanan ay hindi biro
Minsan maayos minsan hindi ‘yan ang totoo
Mga desisyon kailangang ikonsulta doon sa eksperto
Saan kaya ito matatagpuan upang maging perpekto?Mga tao sa paligid maaaring maka-impluwensya
Kanya-kanyang opinion ang sa iyo’y ibabala
Minsan nakakkabuti minsan mas nakakasama
Ikawna ang pumili ‘pagkat sa’yo rin naman ang huling salitaKung mga pinagtanungan ay ‘di nakapag bigay linaw
Sa sarili mo ano kaya ang mangingibabaw?
Utak at puso ay sadyang sasawsaw
Bawat isa ay may sariling pananawNais ng puso’y kadalasang ‘di sinasang-ayunan ng isip
Pakiramdam lang ay lalong bumibigat at sumisikip
Pagtatalong tahimik ngunit may nakabibinging ingay na kalakip
Na sa lakas at pagkatao ko’y unti-unting sumisira at sumisipsipWalang pinipiling oras ang pagsisigawan
Kaya tuloy lalong gumugulo at ‘di nagkakaintindihan
Sa kanya kanyang ipinaglalaban ay matindi ang paninindigan
Sino bas a inyo ang nararapat na pagkatiwalaanLahat na lamang ng aspeto ay hnidi napagkakasunduan
Mga pinaglalaba’y parehas namang may katuturan
Ngunit bakit ‘di magtugma sa iisang kaisipan?
Bakit kailangang magkaibang ideya ang paniganLubhang mahirap at masalimuot ang pagpapasya
Lalo na kung mithi ng utak at puso ay magkaiba
‘Di matimbang kahit ilang ulit ipagkumpara
Sino nga kaya sa inyong dalawa ang tunay na kontrabida***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...