Pagsisikap ay ‘di laging sapat
Ano mang pilit at hikayat
Kulang pa rin kahit magpuyat
Liwanag ay walang pagsikatBawat araw na dumaraan ay lumalabo
Pakiramdam ay napupuno lamang ng silakbo
Kapalaran ang paborito ay maglaro
Pangarap unti-unti’y ginuguhoPirasong natitira pilit pinagdidikit
H’wag lang nais ay tuluyang mawaglit
Pinupulot kahit masakit
Sa minimithi lang ay makalapitNararamdama’y lahat na lang ay ipiagdadamot
Paano’y ang lahat ng dumarating ay puro salot
Walang tigil at humaharurot
Panay kabiguan ang inaabotDumating ang panahong hindi na kaya
Kahit anong angkla ay hindi na maisalba
Sa pagbagsak ay wala nang magawa pa
Masakit ma’y napilitang bitawan naLuha’y walang tigil sa pagtulo
Hindi mawari kung mata’t pisngi pa ba’y matutuyo
Matinding sakit at pighati sa puso
Naging dahilan ng pagkadurog at pagdurugo‘Di na magkanda ugaga sa hinaharap na pagsubok
Minimithi ay ‘di na mararating ang tuktok
Pagkat ngayo’y kabiguan na’y nasa rurok
Pangarap na nais ay mistula nang alikabok***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...