Ano ang pinaghuhugutan
Nitong luhang parang ulan
Rumaragasa at walang pakundangan
Hapdi at kalungkutan lang ang lulanPag-iyak ay wala namang dahilan
O baka ayaw lang aminin at maintindihan
Parang kasinungalingang pilit pinagtatakpan
Nawa’y dumating ang oras na lumabas ang katotohananPagpatak ng luha’y minsan ‘di mapigilan
Kahit saan at kahit kailan eeksena ng biglaan
Maihahalintulad ito kay kamatayan
Kung dumating ay ‘di inaasahanPangarap sana’y tuluyan nang masolusyonan
Itong suliraning mahabang panahon nang pinagdaraanan
Sa tagal ay ‘di na alam ang pinag-ugatan
Nitong nadaramang sa kalooba’y kay tagal nang nananahanSa tadhana ang panawagan ay h’wag nang pagdamutan
Ang katulad kong nilalamon na ng kalungkutan
Sana’y mapagbigyan kahit sa maliit lang na paraan
Nang sa gayo’y luha’y unti-unti nang lumisanKadalasan ang pag-atake’y sa oras ng pag-iisa at katahimikan
Nakikipag-away ng sarili lang ang kalaban
Umaasa sana ngunit walang nahanap na masasandalan
Kaya ayun, nakuntento na lang sa pader at unan
***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoesíaKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...