Panahon ay sadyang mabilis
May mga dumarating at umaalis
Minsan hiling mo'y h'wag na lang sumapit
Pangyayaring magdudulot lamang ng sakitNoong kamusmusa'y aking natatandaan
Isang lalaking maitim ngunit may kabaitan
Laging nakangiti kahit saan maabutan
Tunay na busilak ang kanyang kaloobanKailan ma'y 'di maaalis sa aking isipan
Kung paano niya ako minahal at pinahalagahan
Kahit sandaling panahon lamang ang aming pinagsamahan
Hindi mapapantayan ang ipinakita niyang kagandahanSa aking pagpasok sa eskwelahan
Walang mintis ako'y kanyang inaabangan
Baon ko'y walang sawang dinadagdagan
Kahit na magulang ko'y tutol at madalas pinagbabawalanMga putaheng iyong pinaghirapan
Noo'y ayaw kong kainin at kailangan pa'y sapilitan
Sa mga oras na ito'y aking pinagsisisihan
Sana noon pa pala'y akin ng nilantakanNi minsa'y hindi ako dumaing
Sa pagpapangaral mong kay lambing
Tuloy akin pa ring hinihiling
Na sana'y nagtagal ka pa sa aking pilingPaglisan mo'y lubhang kirot ang idinulot
Lakas at tatag ng loob ay 'di malaman kung saan huhugot
Buong katawa'y tunay na nanlalambot
Pagsasama nati'y naputol na't naudlotPinananabikan ko ang iyong ngiti at pagmamalasakit
Dalangin pa rin na sana'y lisanin na ng sakit
Ang puso kong nakakulong pa rin sa pait
Kahit na ilang taon na ang lumisan at sumapitHanggang ngayo'y natatandaan pa rin ang amoy
Ng pabango mong kay bango pag sumisimoy
Mga kakat'wang ala-alang sa utak ko'y sumasaboy
Kailan gugunitain ng hindi tumataghoy***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoetryKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...