Maaliwalas at masaya ang pakiramdam
Ngiti’y ‘di kayang ikubli at pigilan
Sa wakas nakamit din ang inaasam
Minimithing kay tagal nang pinagsisikapanSa pakiramdam pala’y napakasarap!
Totoo nga ang talinghagang parang nasa ulap
Kapag nakamit na ang nais at ito’y nalasap
Anong galak ang dulot sa kabila ng paghihirap‘Di mabura ang mga ngiti sa mukha
Tumatalon din ang puso sa tuwa
Ganito pala ang pakiramdam ng pinagpapala
Napakagaan at ‘di nababahalaWalang anu-ano’y biglang tila may pumitik
Sa utak kong sa ideya noo’y hitik na hitik
Saglit na kasiyaha’y ipinagkait sa nilalang na sabik
Walang habas, sa marahas na reyalidad ay ibinalikLuha’y umagos sa pisngi at ‘di mapatahan
Paligid ay muling nawalan ng kulay at binalot ng kalungkutan
Sandaling kaligayaha’y muntik nang paniwalaan
Naranasa’y imahinasyon lang pala’t walang katotohanan***WAKAS***

BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
ПоэзияKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...