Kung dami ng kaibigan ang pag-uusapan
Tiyak na may ilalaban
Kaunti man at iilan
Sigurado namang may katotohananSubalit kampon na kasamaa'y sadyang marami sa kapaligiran
Mabuting samaha'y pilit guguluhin at sisiraan
Unti-unting sisimulang wasakin ng hindi namamalayan
Kung malalim na ang sugat tsaka lang malalamanKapag nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan
Pag-usapan, ayusin, ito sana ang tamang paraan
Ngunit bakit naghanap ng ibang makakapitan?
Tuloy nagsimula ang iwasan at malalim na 'di pagkakaunawaanAng tunay na kaibigan ano man ang mangyari
Hindi magsasalita ng masakit sa likuran at maghihiganti
Kung sinsero ang pagmamahal dapat ay nanatili lang sa tabi
Ngunit anong naisip at ganito ang nangyari?Mga sikretong dati'y walang nakakaalam
Ipinagsabi na parang walang pakiramdam
Hindi ba dapat ay hindi nagbubunyag ng mga bagay na magdudulot ng kasiraan?
Lalo na kung ang mga ito'y parehas na sinang-ayunanPag-aaway ay nagdudulot lamang ng sakit sa magkabilang panig
Nadadamay pati ang mga tao sa paligid sa tuwing kakabig
Bakit nga ba hindi na lang sabihin ng harapan ang ibig
Upang hindi gaanong masakit kung manggaling sa sariling bibigKung ang pag-uusap ay 'di kinaya
Sana'y tumahimik muna at hinayaang humupa
Subalit 'di nakapaghintay at may ginawa
Isang bagay na hindi kayang bigyan ng pang-unawaMalaking pagkakamali na pinagkatiwalaan
Taong hindi marunong ng wastong pakikipag-ugnayan
Hindi maintindihan itong kapalaran
Bakit hinayaang mag-krus ang landas at maging matalik na magkaibiganTama nga iyong narinig na kasabihan
Matalik na kaibigan ay mahigpit na kalaban
'Pagkat alam nito ang totoong kulay at kahinaan
Maging ang nilalaman ng kalooban at buong katauhanIsang leksyon ang natutunan ngunit hindi madadala
Patuloy pa ring makikipagkaibigan at magtitiwala
Sa pagkakataong ito'y kilatis ay hindi ipagsasawalang bahala
Upang hindi na magkamali at masaktan ng lubha
***WAKAS***
BINABASA MO ANG
Likhang Tula (COMPLETED)
PoesiaKung puso'y nag-hahanap ng kaunting kurot Ito ang akdang sa kalooban mo'y lalapirot Mababatid na buhay ay hindi biro at masalimuot Sa reyalidad tiyak ika'y mapapahugot Sa koleksyong ito'y napapaloob ang mga madamdaming salaysay Ng mga kaganapang nan...