IMBUDO

77 34 17
                                    

Habang may buhay ang problema’y hindi nauubos
Mapa maliit o malaking sulirani’y sayo’y ibubuhos
Gaano ba kalaki ang kasalanang aking tinutubos?
Dahil kahit anong pagsusumikap ang gawin ay laging kapos

Sa bawat araw na nagdaraan
Kahit paunti- unti ay may nalalampasan
Subalit tadhana’y sadyang may kapilyahan
Problemang nalutas ay agad ring susundan

Sabi nila’y walang problemang
ibinibigay na hindi kayang lutasin
Ngunit minsan sa bigat at dami’y hindi na alam kung ano ang gagawin
Kaliwa’t kanan ang mga bagay na kailangang isipin
Sana sa isang linggo’y may isang araw na walang kailangang indahin

Kung minsan naman ang pagdating ay sabay sabay
Ano ba naman ito’t ‘di marunong maghinay-hinay
Mistula na akong hayop na kinakatay
Sa bugbog ay puro na sugat at latay

Buhay nga ba’y bakit ganito?
Pagkatao ko’y tila may nakadirektang imbudo
Kapag may isinaboy na problema’y salo lang ng salo
Walang tinatapon at walang pakialam kahit na ako’y mapuno

***WAKAS***

Likhang Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon